Kathryn at Daniel, tutulak pa-Vietnam para tanggapin ang international awards
(Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Wagi bilang Best Foreign Actor at Best Foreign Actress ang tinaguriang Teen King and Queen ng Philippine showbiz na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa gaganaping  Face of the Year Awards sa Ho Chi Minh City sa Vietnam ngayong Biyernes (Jan 8).

Pinili ng mismong Vietnamese fans ang dalawa para sa kanilang pagganap sa seryeng Got to Believe na talaga namang tinutukan at kinakiligan sa natu­rang bansa.

Ipinalabas ang Got to Believe noong nakaraang taon sa Today TV at napanood ito ng viewers araw-araw sa primetime block ng nasabing channel.

Noong 2014, wagi rin ng parehong parangal sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap para naman sa kanilang pagganap sa Be Careful With My Heart na phenomenal hit din sa Vietnam.

Bukod sa dalawang serye, naipalabas na rin sa nasabing bansa ang ABS-CBN dramas tulad ng  Mara Clara, The Legal Wife, Sana Bukas Pa ang Kahapon, at Ikaw Lamang sa pamamagitan na ng ABS-CBN International Distribution na kilala sa global arena bilang maasahang foreign content provider. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng Filipino content sa mahigit 50 teritoryo worldwide.

BE CAREFUL WITH MY HEART BEST FOREIGN ACTOR BEST FOREIGN ACTRESS DANIEL PADILLA FACE OF THE YEAR AWARDS HO CHI MINH CITY IKAW LAMANG INTERNATIONAL DISTRIBUTION JODI STA KATHRYN BERNARDO LEGAL WIFE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with