TV5 sandamakmak ang nakalinyang programa
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2016 - 9:00am

Marami ang naniniwala na makaka-take off na ang TV5 ngayong nakipag-alyansa na ang Kapatid Network sa Viva na pinamumunuan ni Boss Vic del Rosario, Jr.

Kung may kani-kanyang mga bagong pasabog na mga programa ang ABS-CBN at GMA, hindi rin magpapahuli ang TV5 with their new programs kung saan magiging visible ang talents ng Viva at maging ibang artists na walang exclusive contract either with the Kapamilya or Kapuso Networks.

Ang dating mga Kapamilya stars na sina Claudine Barretto at Diether Ocampo along with Cesar Montano ay magsasama sa TV remake ng 1985 classic film na Bakit Manipis ang Ulap mula sa panulat at direksiyon ni Danny Zialcita na unang pinagbidahan nina Chanda Romero, Tommy Abuel, Janice de Belen, Laurice Guillen, at Mark Gil.

Muli ring bubuhayin ang pagbabalik ng Ang Panday sa telebisyon sa pamamagitan ni Richard Gutierrez playing the title role. Ang nasabing serye ay tatampukan din nina Christopher de Leon, Sam Pinto, Alonzo Muhlach, Epi Quizon, Bangs Garcia, Ara Mina, Regine Tolentino John Regala, Tony Mabesa, Carlos Agassi, Rocky, and Elvis Gutierrez at iba pa mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Bubuhayin din sa telebisyon ang Tasya Fantasya at iba pang pinasikat na nobela ni Carlo J. Caparas na ginawang pelikula.

Kung sina Sarah Geronimo, Mark Bautista, at Rachelle Ann Go ay pare-parehong produkto ng singing competitions na produced ng Viva TV noon, muli ring bubuhayin ang konseptong ito sa pamamagitan ng Born To Be A Star to be hosted by Ogie Alcasid with Mark Bautista at Yassi Pressman as co-hosts habang sina Pops Fernandez, Aiza Seguerra, at Rico Blanco naman ang mga tatayong hurado.

Dahil sa pagpasok ng Viva sa bakuran ng Kapatid Network, nakakita ng bagong pag-asa ang marami lalung-lalo na ang mga contract talents ng nasabing TV network.

New shows would require new jobs hindi lamang para sa mga artista kundi maging sa mga bagong production people na mamahala nito.

Isabel at John Prats excited na sa karagdagang baby girl ng pamilya

Kung baby boy ang unang supling ng mag-asawang Jen Rosendahl at Jules Chanco na si Baby Tyler na isinilang last January 5, baby girl naman ang nakatakdang isilang ni Judy Ann Santos-Agoncillo. Baby girl din ang magiging unang baby ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli. 

Tuwang-tuwa ang Prats family nang malaman nilang baby girl ang magiging bagong karagdagan sa kanilang pamilya.

AIZA SEGUERRA ALIGN ALONZO MUHLACH ANG ANG PANDAY ARA MINA JOHN PRATS LEFT MARK BAUTISTA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with