Piolo pagbabakasan nina Coleen at Dawn!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2016 - 9:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama sa isang pelikula sina Piolo Pascual, Coleen Garcia, at Dawn Zulueta. Kamakailan ay nagkita-kita na ang tatlo para sa story conference ng bagong proyekto. “I’m a young socialite who crosses paths with Ms. Dawn’s character and somehow we develop a friendship. And at the same time, I have a non-labeled relationship with Piolo’s character,” pagbabahagi ni Coleen. 

Gagampanan naman ni Piolo ang karakter ni DJ na hilig magbiyahe sa iba’t ibang bansa at hindi responsableng lalaki na ang gusto lamang sa buhay ay mag-party. “Until he crosses path with Ms. Dawn’s character. That’s when he starts to change. He finds some meaning to life. Parang she gives him a reason for living and at the same time, siya ang maglalagay ng kulay sa mundo niya,” paglalarawan ni Piolo. 

Isang fashion designer na may asawa ang gagampanan ni Dawn sa serye.“Dahil sa kanyang career, she meets the cha­racters of Coleen and Piolo,maikling pahayag naman ni Dawn. 

Ngayon ay abala pa si Dawn sa teleseryeng You’re My Home habang si Coleen naman ay abala sa teleseryeng Pasion de Amor. 

Nagte-taping na rin si Piolo para sa teleseryeng Written In Our Stars na malapit nang mapanood sa Kapamilya network.

Sam magre-release ng sariling musika

Nakatakdang mag-release ng bagong album si Sam Concepcion ngayong taon. Naging abala ang singer-actor sa Your Face Sounds Familiar season 2 noong isang taon. 

Bukod sa bagong album ay abala rin si Sam sa teleser­yeng You’re My Home.“I released one single online already but I have another one and the music video is coming out. So aside from the things that I do for TV I am also focused in the music and album na,” bungad ni Sam. 

Ibang-iba raw ang bagong album ng binata sa kanyang mga nagawa noon dahil mayroon itong original tracks. “I guess if I was more hands on with the last one, there’s more of me in this next one. We spent a lot of time just brainstorming and putting this album together and it’s all originals and medyo risk ‘yun in my part kasi. You know, doing an all original album, it’s a risk. A lot of people will say na doing a cover is safer,” paliwanag ni Sam. 

Malaki ang pasasalamat niya dahil sa tiwalang ibinigay ng kanyang recording company upang makagawa siya ng bagong album. “I am thankful to my label Universal and the entire team to release and create music. I’m in the process of finding my own sound and identity as a recording artist. So I am really experimenting on different sound and different style but it is still very much me. The different characters of each song it’s OPM and I collaborated with different talented artists for it too,” pagtatapos ni Sam.

ACIRC ALBUM ALIGN ANG LEFT MS. DAWN MY HOME NBSP PIOLO QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with