_ngayon
^

PSN Showbiz

Kean at Chynna ayaw ipangalandakan ang kasal

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Talagang pinangangatawanan ng bagong kasal na sina Kean Cipriano at Chynnna Ortaleza ang pagpapakapribado ng kanilang kasal. Bukod sa wala silang inilalabas na detalye tungkol dito ay larawan lamang ng mga kamay nila na nakasuot ng singsing pangkasal ang tanging patunay na kasal na sila bago pa matapos ang taong 2015.

Matatandaan na ang tanging naging patunay lamang ng relasyon nina Kean at Chynna ay ang ginawang pag-amin ng singer-actor kay Boy Abunda sa programa nitong Tonight with Boy Abunda na may relasyon sila ni Chynna. Bago ito sa lahat ng sumusubaybay sa front man ng bandang Callalily na na-link sa napakaraming artista, pero never nitong inamin ni isa man sa kanila.

‘Yung pag-amin niya kay Chynna ay isang senyales na handa na siya sa isang mas seryosong relasyon na nauwi nga sa kasalan.

Cristine mas marami nang pagseselosan

Hindi nga kaya mas maguluhan si Cristine Reyes ngayong pinasok na rin ng asawa niyang si Ali Khatibi ang pag-aartista? Sa kanya mismo nanggaling na sobra ang pagkaselosa niya at maging ang mga kliyente na tinatanggap ng ama ng kanyang anak sa trabaho nito ay dumaraan pa sa mapanuri niyang pag-i-screen.

Pero hanggang dito lamang umaabot ang pakikialam niya, ang pagpili ni Ali ng mga kaibigan niya ay sarili na niyang desisyon at iginagalang ni Crsitine.

Sharon hindi mahihirapang ibenta ang bahay sa Cali

Hindi mahirap ibenta ang bahay ni Sharon Cuneta sa California, USA. $2.2-M lamang naman ang halaga nito na maliit sa mga kumikita ng dolyar. Sa atin lamang naman na mga Pinoy lubhang napakalaki ng halaga ng bahay dahil times 47 ang halaga ng isang dolyar. Hindi mahihirapan ang Megastar na ibenta ang property niya.

ALI ALI KHATIBI ANG BOY ABUNDA BUKOD CALI CHYNNA CHYNNNA ORTALEZA CRISTINE REYES KEAN CIPRIANO SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with