^

PSN Showbiz

Megan may huling pasabog sa Marimar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong Biyernes (Enero 8), nakatakda nang magwakas ang isa sa mga top-rating primetime series ng Kapuso Network na Marimar.

Sa ilang buwan nito sa ere ay talaga naman tinutukan ng mga manonood ang mga paghihirap hanggang sa pagbangon ni Marimar. Kaya naman sobrang pasasalamat ng Kapuso actress na si Megan Young sa lahat ng sumuporta sa programa, “I’m very thankful sa mga patuloy na sumusuporta sa Marimar, natutuwa talaga ako.”

Very thankful din ang kapareha niyang si Tom Rodriguez na aminadong mami-miss ang mga bonding moments sa set. “Mara­ming maraming salamat po sa lahat ng walang sawang sumusubay­bay sa Marimar. Lahat mami-miss ko talaga. Napamahal na sa akin lahat ng katrabaho ko sa Marimar, mula kay Direk Dom [Dominic Zapata] hanggang sa mga katrabaho kong artista.”

Samantala, ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Marimar, ayaw pa rin magpatalo ng mag-inang sina Angelika (Jaclyn Jose) at Antonia (Lauren Young) kay Marimar. Nagimbal man ang lahat nang sabihin ni Antonia na si Sergio ang ama ng kanyang ipi­nagbubuntis, hindi naman nito nasira ang relasyon nina Sergio at Marimar lalo na’t ikakasal na silang muli. Dahil despe­rado nang makapaghiganti, paplanuhin ng mag-inang Santibañez na kidnapin si Cruzita (Ashley Cabrera).

Matuloy pa kaya ang kasal nina Sergio at Marimar? Magkaroon pa kaya ng pagkakataon sina Angelika at Antonia na pagbayaran ang mga kasalanang nagawa nila?

Abangan ang mga kapana-panabik na mga eksena sa pag­wawakas ng Marimar ngayong Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. (30)

ACIRC

ANG

ANGELIKA

ANTONIA

ASHLEY CABRERA

DIREK DOM

DOMINIC ZAPATA

JACLYN JOSE

MARIMAR

MGA

SERGIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with