Alonzo hindi na isinama sa mga show ng Kapamilya
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2016 - 9:00am

Nalungkot ang ama ni Alonzo Muhlach na si Niño Muhlach na hindi natuloy ang kanyang bunso sa first TV series nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ang Written In Our Stars. Ito sana ang magaging follow-up project ni Alonzo sa Kapamilya Network. Hindi rin natuloy ang pagpasok ni Alonzo sa Ning­ning, at Ang Probinsiyano kaya pumunta muna siya ng TV5 kung saan ay may sisimulan siyang TV series, ang TV remake ng pelikulang Ang Panday na magsisilbing comeback vehicle ni Richard Gutierrez.

Very important ang magiging role ni Alonzo as Alfonso sa Ang Panday dahil siya ang may hawak ng mystery book. From start to fi­nish ng serye ay kasama si Alonzo na pamamahalaan ni Mac Alejandre.

Since wala namang exclusive contract si Alonzo with any TV Network ay posible pa rin siyang bumalik at makagawa ng serye sa Kapamilya Network pagkatapos ng Ang Panday na magsisimula nang mag-taping this week.

Ngayong gabi (January 6) ang balik ng pamilya ni Alonzo galing sa kanilang four-day vacation sa Hong Kong.

Marian at Dingdong kailangan nang ihanda si Baby Zia sa mga endorsement

Sa mga celebrity babies na isinilang noong nakaraang taon, ang first born ng mag-asawang Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera na si Maria Letizia ang maituturing na star baby ng 2015 dahil sa media exposure na nakukuha nito magmula nang siya’y isilang last November 23.

Ngayon pa lamang ay kailangan nang ihanda nina Dingdong at Marian na makatanggap ng offers for their baby na gawing celebrity baby product endorser.

Cristine nag-iba ang ugali nang magkaanak!

Isang trilogy comedy movie ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na magkakahiwalay na idinirek nina Mark Meiley, Andoy Ranay, at Chris Martinez at magkakahiwalay ding pinagbibidahan nina Candy Pangilinan at Benjie Paras, nina Maricel Soriano at Herbert Bautista at sina Cristine Reyes at Antoinette Taus under Viva Films.

Ang nasabing pelikula ang magsisilbing ope­ning salvo sa taong 2016 ng Viva Films at first local movie to be shown ngayong taon.

Samantala, personal na inamin ni Cristine na uunahin muna nila ng kanyang fiancé na si Ali Khatibi ang civil wedding within the month dahil gusto nilang itama ang kanilang relasyon ng kanyang partner na si Ali dahil meron na silang anak, ang magwa-one-year-old na si Amarah.

Sinabi naman ni Direk Chris Martinez na malaki umano ang ipinagbago ni Cristine magmula nang ito’y magkaroon ng anak. Bukod sa hindi na ito gaanong nagpapa-sexy ngayon, napakabait at nagpapaka-professional ito ngayon sa kanyang trabaho.

“Iba talaga ang nagagawa pag ina na,” bulalas ni Direk Chris.

Naidirek na rin ni Direk Chris si Cristine sa pelikulang The Gifted na pinagsamahan nila nina Anne Curtis at Sam Milby under Viva films.

ACIRC ALI KHATIBI ALONZO ALONZO MUHLACH ANDOY RANAY ANG ANG PANDAY CRISTINE DIREK CHRIS KAPAMILYA NETWORK VIVA FILMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with