^

PSN Showbiz

Carla nagsayaw sa uling para kay Gabby

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Na-rescue na si Jaime (Gabby Concepcion) but he is unconscious. Ang sabi ng manggagamot, hihintayin na lang nila na magigising si Jaime saka masasabing ligtas na nga ito.

Andrea (Carla Abellana) used Jaime’s mobile phone to contact his family. Ang nakontak niya ay si Cheska (Joyce Ching) pero ni hindi niya nasabi dito ang kondisyon ni Jaime. Nagalit kasi kaagad si Cheska dahil ang iniisip busy pala ang Daddy niya sa babae nito kaya ni hindi sila naaalala.

Nalaglag pa ang phone ni Jaime mula sa itaas ng punong-kahoy na kina­roroonan ni Andrea, kaya nasira ang mobile phone. Wala na tuloy chance na makokontak pa ni Andrea ang pamilya.

Determined si Cheska na puntahan ang Mommy nila sa New York. Naki-hitchhike ito sa isang American guy na mukhang may evil intention kay Cheska. Hindi na nahabol nina Feliza (Celia Rodriguez) si Cheska na sumakay na agad sa car na nagpa-hitchhike dito.

Umiiyak na sinabi ni Andrea sa unconscious na si Jaime na gumising na ito dahil mahal niya ito. Hindi pa gising si Jaime pero umungol ito at nagsalita. Tinatawag nito ang pangalan ni Andrea. Napangiti tuloy si Andrea.

May lagnat pa rin si Jaime kahit bumubuti na ang lagay. Pero sabi ng manggagamot na kailangang magsayaw sa anito si Andrea para tuluyan nang guma­ling si Jaime.

Nagsayaw nga sa uling si Andrea para lang kay Jaime. Nagising naman pala si Jaime at lumabas sila ng manggagamot. Doon niya nakitang hirap na nagsayaw sa uling si Andrea. Happy si Andrea nang makitang magaling na si Jaime, naniwalang dahil ito sa pagsasa­yaw niya sa uling. Si Jaime naman ay very touched sa ginawa ni Andrea for him. Saka lang napa-che si Andrea nang nalamang hindi naman pala siya kailangang sumayaw sa may apoy na uling kundi sa mga usok lang.

Jaime told Andrea na narinig nga rin niya ang sinabi ni Andrea na magising lang siya ay aaminin na ni Andrea na love nito si Jaime.

Ano kaya ang susunod na magaganap? Ma­kapagsumbong kaya si Cheska sa kanyang mommy?

 

 

ACIRC

ANDREA

ANG

CARLA ABELLANA

CELIA RODRIGUEZ

CHESKA

GABBY CONCEPCION

JAIME

JOYCE CHING

NEW YORK

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with