Diego hindi apektado sa pang-iinis ng KathNiels!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2016 - 9:00am

Isang malaking karangalan para kay Diego Loyzaga na makatrabaho sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo. “Actually it’s crazy because I’m caught in between the best love team in the country. Of course KathNiel it has talagang obstacle because it’s hard to be paired with Yna (karakter ni Kathryn) dahil KathNiel is KathNiel. So to be in between them I got siyempre my fair share of bashers, my fair share of fans naman who do want me to end up with Yna. As David (karakter ni Diego) and Yna, so it’s fun. It’s a whole different thing for me because I’ve never been put in between of love team like this,” nakangiting bungad ni Diego.

Kakaibang challenge raw para sa aktor ang karakter na kanyang ginagampanan sa nasabing soap opera. “Talagang ibang challenge ‘to sa akin, sa career ko at sa pag-acting ko. Honestly hindi ko na nga alam minsan eh kung papaano ko gaganapin ‘yung scenes because I don’t want to come off too much and sometimes I don’t want to come off to little. So it’s a challenge this time, a whole different challenge,” paliwanag ni Diego.

Samantala, ngayong taon ay magiging katambal na raw ng binata si Sofia Andres. “I’m happy about that. Over the past few months we’re getting closer. We’re getting to know each other better so kumportable ako sa kanya,” pagbabahagi ng aktor.

Sobrang seloso Direk Paul araw-araw tinatanong si Toni kung may ibang kahalikan sa taping

Anim na buwan nang kasal sina Toni Gonzaga at Paul Soriano ngayon. Walong taon na magkasintahan ang dalawa bago nagpakasal noong isang taon. Hanggang ngayon ay nagseselos pa rin daw si Paul sa mga nakakatambal ni Toni sa mga proyekto. “Of course I always ask her, ‘Did you have a kissing scene today?’ I have to make sure I kiss her right away. So I’m the last one she kisses,” pahayag ni direk Paul.

Bukod sa Home Sweetie Home ay abala na rin ngayon si Toni sa teleseryeng Written In Our Stars. Naiintindihan naman daw ni direk Paul ang trabaho ng aktres lalo na ngayong katambal ng asawa sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual sa magkaibang proyekto. “I understand, we are in a common industry. I mean Piolo and John Lloyd on every other day basis, but they are great guys. We’ve become good friends also,” pagtatapat ni direk Paul.

Nakatrabaho na ng direktor ang dalawang aktor sa independent film na Hele sa Hiwagang Hapis.

ACIRC AS DAVID DIREK PAUL HIWAGANG HAPIS HOME SWEETIE HOME JOHN LLOYD CRUZ PAUL SORIANO PIOLO AND JOHN LLOYD PIOLO PASCUAL TONI YNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with