^

Carla hindi pa sigurado kay Tom?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2016 - 9:00am

Mukhang nauuso sa Kapuso actresses ang ikinakasal, naghuhulaan ang fans kung sino sa mga may dyowang aktres ang susunod kina Solenn Heussaff at Chynna Ortaleza. Parehong ikinasal ng civil ang dalawa.

May nagtanong kay Carla Abellana kung kailan naman siya mag-aasawa dahil may kaibigan siyang bagong engaged. May mga na-disappoint sa sagot ni Carla na “Kami? Ako? matagal na matagal pa ako.”

May mga nagpapayo kay Carla na mas ma­ganda kung ngayon na siya mag-aasa­wa dahil makakasabay pa niyang lumaki ang magiging mga anak. Pero ayaw pa-pressure ng aktres dahil may career pa sila ni Tom Rodriguez na dapat bigyan ng priority. Si Carla nga ay busy pa sa teleseryeng Because Of You ng GMA 7.

Anyway, kikiligin ang viewers ng Because Of You sa episode this Monday dahil tila matutupad na ang wish nilang kissing scene nina Carla at Gabby Concepcion.

Fans hindi pa rin tanggap na kasal na sina Kean at Chynna

May nabasa pala kami na ilang months nang kasal sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza, pero noong Jan­ua­ry 1 lang nila ina­ming mag-asawa na sila nang i-post ang mga daliri nilang may suot na wedding ring.

Sa bahay nina Kean sa Marikina na raw nakatira si Chynna at nakikita siya sa SM Masinag at Robinsons Antipolo. Hindi na rin siya nakikita sa Robinsons Magnolia na madalas niyang puntahan noong dalaga pa siya dahil malapit ito sa bahay ng parents niya sa New Manila.

Maraming fans ni Kean ang broken hearted sa pag-aasawa nito, may fans din na ayaw maniwala dati na GF ni Kean si Chynna at iba ang gusto para sa Callalily lead vocalist. May mga hindi pa rin nakaka-move on sa Kean-Alex Gonzaga issue at nagalit pa kay Chynna. May mga naniniwala pa ring si Railey Valeroso ang BF ni Chynna, kaya ang lakas ng gulat factor sa mga ito nang malamang misis na ni Kean si Chynna.

Balikan nila malabo na Aiko ibinukong may iba na si Jomari

Hindi sinasadyang ibuking ni Aiko Melendez na in a relationship ang ex-husband niyang si Jomari Yllana sa caption niya ng picture nito at ng anak na si Marthena Jickain na anak niya kay Martin Jickain.

Ang caption ni Aiko, na kaka-split lang naman sa foreigner, sa picture ay “This picture melted my heart. Thanks dada @jomariyllana sayang we are both taken na ahahahaha.” Kinunan ang picture bago mag-break sina Aiko at ang foreigner BF. Malabong magkabalikan ang dalawa kung taken na nga si Jomari.

Ang gustong malaman ngayon ng mga nakabasa ng caption ni Aiko ay kung sino ang GF ni Jomari.

Signature shoes ang natanggap na regalo Boobay kinaiinggitan sa pagiging close kay Marian

Hindi nagpapigil si Boobay at pinost sa IG ang Christmas gift sa kanya ni Marian Rivera na isang Christian Louboutin shoes. Sabi ni Boobay, sa ayaw at sa gusto ni Marian, ipo-post niya ang shoes sa sobrang saya niya.

Dagdag pa ni Boobay, pasok sa banga ang pasabog sa kanya ni Marian. Saktung-sakto sa kanya at masarap sa paa niya ang sapatos.

Marami ang natutuwa sa friendship nina Marian at Boobay at may mga pabirong nainggit kay Boobay dahil sa mamahaling sapatos na regalo ni Marian sa kanya.

Ogie excited na sa bagong show na ihu-host

May presscon si Ogie Alcasid para sa paghu-host niya ng Born to be a Star na mapapanood sa TV5. Malalaman natin kung kailan magsisimula ang singing competition na magdidiskubre ng new singing talents.

Magkakaroon ng open audition para sa Born to be a Star na magsisimula sa January 9 & 10 sa SM City Bicutan; Jan. 16 & 17 sa SM City Sta. Mesa; at Jan. 23 & 24 sa SM City San Mateo. Pare-parehong 1-9 p.m., ang audition, pero 10 a.m., ang start ng registration.

Open ang audition to male and female, ages 13-18 years old only. Ang mananalo ay mag-uuwi ng more than P2-M pesos worth of prizes. Kaya join na!

ACIRC AIKO ANG BECAUSE OF YOU BOOBAY CARLA CHYNNA CHYNNA ORTALEZA JAN KEAN MGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with