Kay Chynna ang bilis-bilis Kean hindi na TL kay Alex
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2016 - 9:00am

Isang sorpresa sa lahat ang ginawang pagpapakasal nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Nagkaroon sila ng isang matahimik na kasal na ang pamilya lamang nila siguro at ilang piling kaibigan ang nakakaalam.

It put an end sa isang napakahabang pagbibinata sa panig ng frontman ng Callalily na bago naha­nap ang kanyang bride ay na-link sa napakaraming babaeng artista kasama na si Alex Gonzaga, samantalang si Chynna ay sa isang lalaki lamang nagkaroon ng isang mahabang relasyon bago pumayag maging misis ni Kean.

Kris tukoy na ang ‘agenda’ ni Renz

Ayaw ni Kris Bernal na lagyan ng malisya ang gumagandang friendship nila ni Renz Fernandez pero, kailangan komprontahin niya ang intrigang bukod sa pagkakaibigan ay may namumuong ma­gandang pagtitinginan sa pagitan nila ng anak ni Lorna Tolentino.

Hindi mapagkikitang madalas sa set ng Little Nanay si Renz kung basta kaibigan lang ito.

Madalas ding yayain ng binata si Kris na kumain sa labas at pumapayag naman ito dahil friends nga sila at may tiwala siya rito.

Wala nga siyang ibinibigay na kahalagahan sa madalas na pagbibigay nito ng mga regalo sa kanya.

Pero, ngayong binibigyan na ng malisya ng lahat ang mga “kabutihan” nito sa kanya, naiisip na rin ni Kris na baka may ibang “agenda” sa kanya ang binata bukod sa friendship.

“Okay naman kung nanliligaw nga siya. Mabait siya, guwapo at isang gentleman pero, hangga’t wala siyang direktang panliligaw, ayaw kong mag-assume at baka masira ang magandang nasimulan namin,” anang dalagang artista.

My Bebe… pinakamasaya ni Bossing

Sa kabila ng mga negative comment mula mga nakapanood ng My Bebe Love tulad ng mga casual ads nito na ginamit sa pelikula, isa na marahil ito sa pinakamasa­yang pelikula na naging entry ni Bossing Vic Sotto sa MMFF.

Hindi naman hard sell ang ginawa ni Direk Joey Reyes sa paglalagay sa mga nasabing ads.

Kung pwede naman palang to hit two birds with one stone, bakit nga naman hindi?

Hindi naman ito naka­gulo sa movie at lalong hindi  isiningit at the expense of the film.

ACIRC ALEX GONZAGA ANG BOSSING VIC SOTTO CHYNNA ORTALEZA DIREK JOEY REYES KEAN CIPRIANO KRIS BERNAL LITTLE NANAY LORNA TOLENTINO MY BEBE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with