^

Dalawang aktres, ginawang paraan ang Instagram para magplastikan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2016 - 9:00am

May issue ba sa dalawang sikat na aktres? Nagtatanong ang common fans ng dalawa nang malaman nilang in-unfollow ni Actress A (AA) si Actress B (AB) sa Instagram (IG).

Curious ang fans ng dalawa sa rason sa ginawa ni AA kay AB gayung ang alam nila, magkabigan ang dalawa.

On the other hand, tuwang-tuwa ang fans nina AA at AB na ayaw silang maging magkaibigan dahil hindi naman daw friends ang turing ni AA kay AB.

Nasa iisang network ang dalawang aktres, pero magkaiba ang management. Madalas silang magkita at nagkakasama pa minsan sa mga event ng network, pero ‘yun nga, they’re not friends at napatunayan ‘yun sa pag-unfollow ni AA kay AB sa IG na big deal sa common fans nila.

Fans waiting kung sino kina Yassi at Barbie ang magiging GF ni Andre

Ang ganda ng pasok ng 2016 kay Andre Paras dahil bukod sa showing this month ang launching movie nila ni Yassi Pressman na Girlfriend For Hire ng Viva Films, may follow-up teleserye sila ni Barbie Forteza sa malapit nang magtapos na The Half Sisters.

Sa January 25 na ang pilot ng That’s My Amboy na parehong nasa title role sina Andre at Barbie, kaya walang dapat pagtalunan ang kanilang fans. Hanggang Jan. 15, na lang ang The Half Sisters and one week after, airing ng That’s My Amboy na.

Nagtanong kami sa GMA 7 kung ano ang time slot ng That’s My Amboy, pero wala pa raw advise from the management.

Waiting na pala ang fans ng YaNdre love team nina Yassi at Andre at AnBie love team nina Andre at Barbie kung sino kina Yassi at Barbie ang magiging GF ni Andre in real life.

Bakasyon sa Bora nila ni Elmo hindi ipinag-ingay ni Janine

Magkasama sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez na nagbakasyon sa Boracay, pero walang picture nila na makikita sa social media.

Kahit anong pang-i-stalk ang gawin ng kanilang fans, wala silang makitang litrato.

Ang picture lang na pinost ni Janine at nagbigay ng clue na magkasama sila ni Elmo ay ‘yung picture ng two bottles of juice drink at nakapatong ang shades ni Elmo.

Sabi ng fans ng dalawa, ‘yun daw ang shades na ginamit ni Elmo nang i-present sila ni Janella Salvador ng ABS-CBN para sa gagawin nilang teleserye na Born For You.

Napupuri ng fans si Janine dahil supportive GF daw kay Elmo. Para hindi masira ang bini-build up na love team nina Elmo at Janella, hindi na lang siya nag-post ng picture nila ni Elmo na magkasama.

Dati naman, sa mga bakasyon nila together, kahit one picture lang, nagpo-post si Janine.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang Dangwa  ni Janine at klik din sa viewers ang MMFF entry na Buy Now, Die Later, kaya lalo itong gaganahang gumawa ng pelikula.

Sunshine at Jakielou nakisimpatya sa pakikipaghiwalay ni Aiko

Pati mga kaibigang artista ni Aiko Melendez nagtanungan kung ano ang nangyari at break na sila ng BF niyang foreigner.

Noong Christmas yata, nag-post pa siya sa Instagram (IG) picture nilang dalawa ng guy at sinabi niyang masaya sila together.

Tapos, noong December 31, ang post ni Aiko na, “Stay single until someone actually compliments your life in a way that it makes it better to not be single if not, it’s not worth it.” Ang caption ni Aiko sa pinost na quotation ay “Single...:) and Happy!!!”

Hindi na sinagot ni Aiko kung ano ang nangyari sa kanila ng foreigner, pero katuwa ang conversation nila nina Sunshine Cruz at Jackielou Blanco. Ang reaction ni Sunshine ay “Apir Sis!!” na sinagot ni Aiko ng “Yes sis!!! Happy New Year!” at sumali si Jackielou ng “Tama.”

Muling nag-comment si Sunshine ng “Happy New Year! You deserve the best. I’m sure God is preparing something extra special for you. In God’s perfect time sis.”

Sinagot ni Aiko ang last comment ni Sunshine ng “Yes sis para sa ating 2:) thank you sis. God bless you sis.”

Inalis na ni Aiko ang picture nila ng kanyang ex-BF sa kanyang IG. Kaya ‘yung ngayon pa lang interesadong makita ang guy, hindi na ninyo makikita ang face niya sa IG ng aktres dahil deleted na.

ACIRC AIKO ANG BARBIE ELMO FANS HALF SISTERS JANINE MY AMBOY NBSP NILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with