^

Bagong bahay nina Vic at Pauleen, pina-bless na agad

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2016 - 9:00am

PIK: Maaga pa lang ay halos dalawang milyong tweets na ang hashtag na ALDUBHappyBaedayALDEN, Pawang pagbati sa kaarawan ni Alden Richards na nag-celebrate ng 24th birthday niya kahapon.

Sa Eat Bulaga sinelebreyt ng Pambansang Bae ang kanyang kaarawan, pero nung New Year’s Countdown pa lang ng GMA 7 ay binabati na siya ng lahat.

Nung nakaraang Sunday PinaSaya pa lang ay maagang pa-birthday na sa kanya ang double platinum award sa kanyang album.

Kaya emotional na siya nung tinanggap niya ito.

Kaya pawang pasasalamat na si Alden sa kanyang kaarawan at kung meron man siyang wish ay ang good health at stability daw sa kanyang career.

PAK: Hindi lang sina Solenn Heusaff at Nico Bolzico ang nagpakasal bago pumasok ang bagong taon kundi pati sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Pati mga close friends ni Chynna ay nagulat din nang nakita na lang sa kanilang Instagram account ang pareho nilang post.

Pagkatapos ng civil wedding nila, gusto pa rin daw nilang magkaroon ng church wedding pero kailangan pang planuhin nila ito nang mabuti.

BOOM: Sabi ni Pauleen Luna, konti na lang daw at tapos na tapos na ang bahay na lilipatan nila ni Vic Sotto pagkatapos ng kanilang kasal.

Pero nasunod din naman ang balak ni Pauleen na maayos na ang mga interiors bago pumasok ang bagong taon. Kaya nung January 1 mismo ay pina-bless na nila ang bahay.

Sabi nga niya sa kanyang Instagram account; “What a great way to start the year! Thank You Lord.”

Masaya si Pauleen sa kinalabasan ng bahay nila ni Bossing Vic dahil nasunod daw ang gusto nilang mangyari sa kanilang bahay.

Ang latest na narinig namin, parang ayaw na raw ng Eat Bulaga na i-announce ang detalye ng wedding nilang dalawa dahil iniiwasan nilang dagsain ito ng maraming tao.

Mahirap daw kasi ang security sa lugar na pagkasalan nila. Mas mabuting sa Eat Bulaga na lang abangan at panoorin ang seremonya ng wedding.

ALDEN RICHARDS ALIGN ANG BOSSING VIC CHYNNA ORTALEZA EAT BULAGA INSTAGRAM KAYA LEFT QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with