_ngayon
^

PSN Showbiz

Joshua Garcia sasabak sa MMK

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bibigyang buhay ni Joshua Garcia ang kwento ng isang anak at kapatid na handang gawin ang lahat para sa pamilya sa kanyang unang Maalaala Mo Kaya episode ngayong Sabado (Jan 2).

Parehong pastor ang ama’t ina ni Pablo (Joshua Garcia) na sina Benjamin (Do­minic Ochoa) at Rita (Assunta de Rossi), kung kaya’t masaya at kuntento siya sa kanilang buhay ka­sa­ma ang kanyang mga kapatid. Ngunit nagbago ang lahat nang kupkupin nila si Simon (Arjo Atayde).

Sa pagdating ni Simon, napansin ni Pablo ang mga kakaibang pangyayari sa kanilang tahanan, kabilang na ang pagbabago ng pakikitungo ni Rita kay Benjamin. Isang gabi, nagulat na lamang sila nang matagpuang patay na si Benjamin, at si Simon ang itinuturong suspek. Nakakita din sila ng mga kagamitang pang-ritwal mula kay Simon at ayon sa mga nakatatanda, ginamit niya ito upang mapaibig si Rita.

Mailigtas pa kaya ni Pablo ang kanyang pamil­ya mula sa kapahamakan? Matulungan pa kaya ni Pablo ang kanyang ina na kalimutan si Simon?

Tampok din sa episode sina Izzy Canillo, De­von Seron, Celine Lim, Kyline Alcantara, Rhed Bustamante, Gerald Pesigan Gerard Pizzaras, at Dianne Medina. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz Dela Torre at panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou N. Santos.

ACIRC ANG ARJO ATAYDE BENSON LOGRONIO CELINE LIM DIANNE MEDINA GERALD PESIGAN GERARD PIZZARAS IZZY CANILLO JOSHUA GARCIA KYLINE ALCANTARA MAALAALA MO KAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with