_ngayon
^

PSN Showbiz

Heart nakapag-training na sa pagiging nanay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sakaling magkaanak ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista (which they plan to have in 2017), hindi na mahihirapan ang misis ng senador na mag-alaga ng kanilang baby dahil sanay na sanay na ito sa pag-aalaga kanyang twin step-children na sina Joaquin (Quino) at Cecilia (Chesi) na kasama ng mag-asawang nagbakasyon sa Japan for their Christmas holidays.

Kitang-kita ang pagiging close ng kambal na anak ni Sen. Chiz sa una nitong misis kay Heart kahit hindi ito ang kanilang tunay na ina.

Isiningit ng senador at ng kanyang misis na si Heart at kambal na anak na magbakasyon at mag-bonding sa Japan dahil magiging busy na si Sen. Chiz sa kampanya sa kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa darating na halalan in May this year.

Japan dinagsa ng mga artista

Speaking of Japan, mukhang nagiging paborito itong destination ngayon ng mga kilalang personalidad.

Sa Japan din nagpalipas ng kanilang Christmas holidays ang 2015 phenomenal female star na si Maine “Yaya Dub” Mendoza kasama ang kanyang pamilya.

Iba’t iba naman ang naging destination ng ibang celebrities. Although paborito ni Kris Aquino at ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby ang Japan, this time naman ay sa Hawaii sila nagpalipas ng kanilang Christmas holidays. Sa London ang pamilya ni Joey de Leon, sa Dubai ang pamilya ni Paolo Ballesteros at sa Amerika naman si Gerald Anderson and his family. 

Sa Amerika rin nag-Pasko at nagbagong taon ang pamilya ni AiAi delas Alas habang sa Hong Kong naman ang pamilya ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Sa Chile nagbakas­yon ang magkasintahang Anne Curtis at Erwan Heussaff at saka sila tumuloy ng Arentina for the December 29 intimate civil wedding nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Sa Boracay naman nag-bonding ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez with son Nate kasama ang ex-wife ni Ogie na si Michelle Van Eimeren at mga anak nila na sina Leila at Sarah kasama ang bagong mister ni Michelle na si Mark Murrow.

Sa isang lugar sa Batangas naman nagbakas­yon ang pamilya ni Alden Richards.

Ngayong tapos na ang long Christmas holidays, balik na ang lahat sa trabaho.

Kasalang Vic-Pauleen lihim pa rin ang mga detalye

Hanggang sa mga sandaling ito ay clueless pa rin ang publiko sa mga detalye ng nalalapit na kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna na mangyayari any day this month.

Ang alam lamang ng lahat ay mangyayari ito sa buwan ng Enero.

Although may alam na ang ibang involved at imbi­tado sa wedding nina Vic at Pauleen, napaka-discreet ng lahat dahil wala talagang leakage sa anumang impormasyon na may kinalaman sa kasal ng dalawa.

Bukod sa respective families nina Vic at Pauleen at ibang malalapit na kaibigan, tiyak na kumpleto ang attendance ng Dabarkads ng Eat Bulaga.

Since kasama sa Dabarkads si Pia Guanio, dumalo rin kaya siya sa kasal? Matagal na naging ka­sintahan ni Vic si Pia bago naging sila ni Pauleen.

Imbitahan din kaya nina Vic at Pauleen ang ex-wife nito at ina nina Danica at Oyo Sotto na si Dina Bonnevie?

Sa kabila ng matagal nang hiwalay ang da­ting mag-asawang Vic at Dina, nanatiling close na magkaibigan ang dalawa dahil na rin sa kanilang mga anak at mga apo.

2016, taon din ng kasalan sa showbiz?!

Kung naging sunud-sunod ang mga wedding ng celebrity couples in 2013 and 2014, mukhang magpapatuloy ang wedding boom sa taong 2016 na sisimulan nina Vic Sotto at Pauleen Luna at susundan nina Cristine Reyes at Ali Khatibi.

Hindi kaya magkaroon ng surprise announcement any day now ang magkasintahang Luis Manzano at Angel Locsin na matagal na ring inaabangan ng publiko na magpapakasal?

ACIRC ALIGN ANG LEFT MGA NINA PAULEEN PAULEEN LUNA QUOT STRONG VIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with