^

Lea nakisawsaw na rin kay Pia

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2015 - 9:00am

Na-stress sa hiwalayan? Rocco tumanda ang hitsura!

SEEN: Family friend na si Jack Jones ng Araneta family kaya suki na siya na mag-perform sa Araneta Coliseum at sa newly-opened Kia Theater. Hindi na matandaan ni Jones ang pamagat at lyrics ng kanyang old songs na sikat sa mga Pilipino.

SCENE: Si Heart Evangelista ang “fashion stylist” ng twin stepchildren niya nang magbakasyon sila sa Japan, kasama ang kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero.

SEEN: Tulad ng libu-libong Pilipino, “nakisakay” si Lea Salonga sa tagumpay ni Pia Wurtzbach dahil sa kanyang newspaper article tungkol sa mga lugar sa New York na dapat bisitahin ng bagong Miss Universe.

SCENE: Dapat maunawaan ng Nilalang director na si Pedring Lopez na masyadong bayolente ang mga eksena ng kanyang pelikula kaya hindi ito ang tipo na panonoorin ng Filipino moviegoers na pihikan ang panglasa.

SEEN: Dinagsa ng mall shoppers ang technical rehearsal ni Alden Richards para sa Kapuso New Year Countdown sa Mall of Asia Bayside noong Miyerkues. Si Alden ang host kagabi sa Countdown to 2016 ng GMA 7.

SCENE: Defective ang cell phone na ipina-raffle sa entertainment press sa Christmas party ng isang movie company. Dapat magreklamo ang mo­vie company personnel sa binilhan nila ng defective cell phone.

SEEN: Nag-mature ang mukha ni Rocco Nacino mula nang mapabalita na hiwalay na sila ni Lovi Poe.

SCENE: Contented mother and wife si Priscilla Almeda sa Canada. Dalawa na ang anak ng dating sexy star ng Seiko Films, isang babae at isang lalaki.

ALDEN RICHARDS ANG ARANETA COLISEUM CHIZ ESCUDERO DAPAT HEART EVANGELISTA JACK JONES KAPUSO NEW YEAR COUNTDOWN KIA THEATER LEA SALONGA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with