Kamag-anak pa naman ng magaling na actor din guwapo at magaling na aktor, ninakawan ang aktres na nagpakain at nagmagandang loob na tumulong
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2015 - 9:00am

Nakapanghihinayang ang pinakawalang oportunidad ng isang guwapo at magaling umarteng young actor. Inalagaan siya nu’n ng isang magaling na direktor, itinuring na parang tunay na anak, pero nagpadala sa kaway ng bisyo ang young actor.

Magaganda na ang nakukuha niyang review nu’n, bibihira kasi ang guwapo na ay mahusay pang umarte, pero pinakawalan ng young actor ang magagandang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsang magpunta siya sa bahay ng isang artistang babae na nakasama niya sa isang teleserye, e, nagkalat pa siya ng lagim.

“Pinakain na nga siya at pinagpahinga, pero dahil sa bisyo, nakunsensiya pa niyang pagnakawan ‘yung taong nagmagandang-loob sa kanya.

“Sinalisihan niya ang girl! Nu’ng pumasok na sa banyo para maligo, e, pumasok naman siya sa kuwarto ng babae. Nilimas niya ang lahat ng puwede niyang maibenta, kinuha pa niya ang pera sa wallet ng babae.

“Pagkaligo ng girl, e, wala na siya, wala na rin ang mga kagamitan ng girl, napakahalaga pa naman ng mamahaling cell phone at tablet ng babae dahil ‘yun ang ginagamit niya sa pagnenegosyo.

“Ipina-blotter ng babae ang young actor, pero hindi na rin niya nabawi ang ninakaw sa kanya. Iyak nang iyak ang girl dahil pinatuloy na nga raw niya si ____(pangalan ng young actor) sa house niya, pero pagnanakawan pa pala siya,” napapailing na kuwento ng aming source.

Kamag-anak ng isang pumanaw nang magaling na aktor ang young actor na hibang na hibang sa pagbibisyo ngayon, dala-dala pa nga niya ang apelyido nito, pero nagpakasira lang sa bisyo ang magaling pa naman sanang young actor.

Huling hirit ng aming source na may kakambal nang clue, “Kapag nakita n’yo ang young actor na ‘yun, e, ilagan n’yo na siya agad. Ilagan n’yo na!”

AlDub malaki ang dapat ipagpasalamat sa 2015

Mamamayang gabi ay putukan na! Sasalubungin na natin ang Bagong Taon. Napakabilis talagang lumipad ng panahon. Parang hindi man lang tayo naiinip.

Kung meron mang mga personalidad na dapat magpasalamat sa paalis na taon ay walang iba ‘yun kundi sina Alden Richards at Maine Mendoza. Hulyo nang ipanganak ang kanilang tambalan, kalahatian na ng taon, pero kinasihan sila ng kapalaran na sumikat nang husto.

Grabe ang kasikatan ng AlDub na nag-ugat sa kinaaaliwang kalyeserye ng Eat…Bulaga. Napakalaki ng utang na loob ni Maine sa pagda-dubsmash na ipinost niya sa You Tube at pinag-interesan naman ng pamunuan ng TAPE, Incorporated.

‘Yun na ang naging simula ng lahat, kinagat ng publiko ang tambalan nina Alden at Yaya Dub, kinabog nila ang katapatang show ng Eat…Bulaga at pati mga sikat na loveteams ng mga kabataan ay pinatihaya nilang lahat.

Magpapaalam ang taong 2015 na mabiyayang-mabiyaya sina Alden at Yaya Dub. Milyun-milyon ang ibinabayad sa kanila sa mga product endorsements, malaki rin ang kanilang talent fee sa mga provincial shows, bibihira lang ang ganu’ng suwerte.

Sa pagpasok ng 2016 ay maraming nagsasabing matatapos na rin ang kasikatan ng AlDub. May bago na raw iibigin ang publiko at mamamahinga na ang tambalan nina Alden at Yaya Dub.

Sila ang mayhawak ng kanilang kapalaran, sila ang mag-aalaga sa tagumpay na hawak nila ngayon, sila lang ang makapagdidikta kung hanggang saan sila.

ACIRC ACTOR ALDEN RICHARDS ANG BAGONG TAON BULAGA MAINE MENDOZA NIYA SIYA YAYA DUB YOUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with