^

PSN Showbiz

Claudia, nagbalik bilang Greta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na maitatanggi pa nina Yna (Kathryn Bernardo) at Angelo (Daniel Padilla) ang kanilang tunay na nararamdaman para sa isa’t isa, ngunit tila hindi ito sapat para maisalba ng dalawa ang kanilang pagmamahalan laban sa mapaglarong tadhana.

Sa pagpapatuloy ng kwento sa Pangako Sa ‘Yo, hahamuning muli ang kanilang pag-iibigan ng karamdaman ni David (Diego Loyzaga). Sa nalalabing mga araw niya, mapipilitan si Yna na pagtuunan ng pansin ang kanyang best friend, na siya namang mamasamain ni Angelo.

Magpaparaya nga ba si Yna at pagbibigyan ang kahilingan ni Amor (Jodi Sta. Maria) na pasayahin si David sa mga huling araw nito?

Samantala, nagbalik naman kagabi (Dec 28) ang karakter ni Angelica Panganiban hindi bilang si Claudia ngunit bilang si Greta, na ngayon ay namumuhay na nang simple kasama si Simon (Alex Medina). Walang maalala si Claudia sa kanyang nakaraan matapos ang aksidenteng kinasangkutan dalawang taon, kaya naman sinasamantala ito ni Simon at tinatago sa kanya ang katotohanan.

Anong nga ba ang naghihintay sa buhay nina Angelo, Yna, Eduardo (Ian Veneracion), at Amor sa pagbabalik ni Claudia?

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Pilipino,  Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

ALEX MEDINA

ANG

ANG PROBINSYANO

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELO

CLAUDIA

DANIEL PADILLA

DIEGO LOYZAGA

IAN VENERACION

PANGAKO SA

YNA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with