Claudine biglang na-miss si Rico Yan!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2015 - 9:00am

Mabuti at pinagsabihan ni Claudine Barretto ang isa niyang fan/follower na sobrang nagalit nang makitang pinost ng aktres sa Instagram (IG) ang picture nila ni Raymart Santiago kasama ang mga anak na sina Sab at Santino.

Sa sobrang galit ng fan ni Claudine, winish pang mamatay si Raymart o magpakamatay na lang si Claudine kung magkakabalikan sila dahil daw siniraan siya nito ng pailalim. Marami pang sinabi ang fan na parang alam na alam ang nangyayari sa buhay ng ex-couple.

Sabi ni Claudine sa fan na nagustuhan ng maka-Raymart, “Hi I’m sorry bt ur comments are so out of line. We will always be a family bcoz of r kids. Ur over reacting bcoz its just a family picture nagkabalikan na agad??? We r doing wats best for r kids & thats is to be better parents and NO hindi po ako magpapakamatay just coz of ur comment. I am still a SANTIAGO & there is nothing u can do to change that. I am not anyone get into the way of our being parents to r children. wala pong balikan so pls its Christmas lets all wish the best for everyone. Godbless po.”

Anyway, ang fans naman nina Claudine at Rico Yan ang natuwa nang i-post ni Claudine ang last letter yata ni Rico sa kanya. Nag-comment pa si Claudine ng “We @tinamarieyan miss u terribly” at may kasama pang picture nila.

Sa yellow pad nakasulat ang letter ni Rico at mababasa na “Hunny” ang terms of endearment nila dati. Ang sweet ng sulat ni Rico, kaya ayun, may mga nanghinayang na uli sa maaga nitong pagpanaw at hindi sila ni Rico ang nagkatuluyan.

Wala palang balita si Claudine kung natuloy ang binanggit nitong first day taping nila ni Diether Ocampo ng TV5 teleserye na Bakit Manipis ang Ulap na sa February 2016 ang airing.

Horror mabenta talaga ’pag Kapaskuhan

Tuwang-tuwa ang fans nina Janella Salvador at Marlo Mortel sa post ni director Jun Lana sa IG na “Still trending and still screening to full house audiences! We can’t thank you enough, guys! Walang bibitaw! Hanggang sa next movie nila!”

Ang tinutukoy ni direk Jun ay ang Haunted Mansion na entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na bida sina Janella, Marlo, Jerome Ponce, Phytos Ramirez, Dominic Ochoa at marami pang iba.

Nasa number three spot ito ng box-office standing ng MMFF. Ang basa ng Marnella fans sa post ni direk Jun, may kasunod na pelikula sina Janella at Marlo. Ang wish ng fans, hindi paabutin ng 2016 MMFF ang follow-up movie ng dalawa at kung puwede raw ay rom-com naman.

Nagdagdag na ng theaters ang Regal para sa Haunted Mansion at patunay ito na malakas ang Marnella love team katra­yanggulo pa si Jerome.

Patunay din ito na gusto pa rin ng moviegoers ang horror sa MMFF, kaya Roselle Monteverde at Mother Lily, ibalik n’yo raw ang Shake, Rattle & Roll.

Maine sasalubungin ng award

Inunahan na ni Maine Mendoza ang kanyang bashers na naging active uli nang manalo siyang best supporting actress sa katatapos na awards night ng MMFF. Expected na nito na maba-bash siya kahit wala siya sa awards night at nasa Japan pa kasama ang pamilya na nagbabakasyon.

Kaya pagbalik ni Maine from Japan, hindi lang ang pagiging number one sa box-officce ng My Bebe Love ang magandang isasalubong sa kanya, pati na rin ang first acting award niya.

Mark, Andrew E., at Aiza didiskubre ng mga bagong artista

Nag-pictorial na sina Mark Bautista at Andrew E., dalawa sa judges ng ilu-launch ng TV5 at Viva Entertainment na Born To Be A Star. Sabi sa Christmas Party ng TV5, kabilang sa judge si Aiza Seguerra, pero hindi pa namin nakikita sa social media kung nag-pictorial na siya.

Malaki raw ang Born To Be A Star kung saan magdidiskubre ng bagong ibi-build up na next big thing sa showbiz ang TV5 at Viva Entertainment.

ACIRC AIZA SEGUERRA ANDREW E ANG BAKIT MANIPIS BORN TO BE A STAR CLAUDINE HAUNTED MANSION NBSP RICO VIVA ENTERTAINMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with