^

PSN Showbiz

Maine sa best supporting actress award: Bakit ako?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inunahan na ni Maine “Yaya Dub” Mendoza ang kaniyang mga bashers matapos siyang parangalan bilang best supporting actress sa 41st Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

Nagtaka rin ang “Eat Bulaga” star sa nakuhang award sa pelikulang “My Bebe Love: #KiligPaMore.”

Hindi personal na nakuha ni Maine ang award dahil nasa Japan siya kasama ang kaniyang pamilya upang magbakasyon kaya naman ipinadaan niya sa Twitter ang kaniyang reaksyon.

 “Bago pa ako ibash ng sambayanan, mauuna na ako.. Bakit ako?” sabi ni Maine na kasama rin sa pelikula sina Alden Richards, Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.

 “Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!”

Ito ang kaniyang unang pelikula mula nang pasukin niya ang showbiz nitong Hunyo lamang kaya naman ikinagulat din niya ang pagkilala.

Kinilala naman bilang Third Best Picture ang My Bebe Love.

ACIRC

AI AI

ALDEN RICHARDS

ANG

BAKIT

EAT BULAGA

MAGANDANG

MAINE MENDOZA

METRO MANILA FILM FESTIVAL GABI

MY BEBE LOVE

QUOT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with