^

Pia bagay daw na kapalit ni Angel sa Darna!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 24, 2015 - 9:00am

Sa raming pictures ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa social media, ang tinawag ni Jonas Gaffud (manager ni Pia) na “swimsuit pose” na turo pala nito ang tila magkaka-issue. Pero puwedeng lumaki ang isyu ‘pag pinatulan ng kampo nina Pia at Angel Locsin.

Tinawag kasing “Darna pose” ng fans ni Pia ang pose nitong naka-two-piece swimsuit at naka-akimbo o nakapamaywang. Sa pose na ‘yun, nakita ng fans ni Pia na puwedeng-puwede siyang gumanap na Darna sa movie ng Star Cinema at puwedeng pumalit kay Angel.

Kaya lang, kailangang hintayin ng Star Cinema na matapos ni Pia ang reign niya bilang 2015 Miss Universe bago siya tumanggap ng movie offer at balikan ang pag-aartista at ang showbiz.

Swak si Pia sa criteria na hinahanap ni director Erik Matti na maganda, matangkad, long-legged para magandang tingnan ‘pag sinisipa ang kalaban at higit sa lahat, may boobs.

Kaya lang, pumayag kaya ang fans ni Angel na hindi na ang aktres ang gumanap sa Darna at ibigay na lang kay Pia?

Post ni Jonas, turo niya kay Pia ang “swimsuit pose” three days before the pageant dahil sabi nito, “I thought they might be looking for someone who is empowered and strong” at tama siya. Sa mga nabasa namin, malaki ang puntos ni Pia sa judges sa pose niya sa swimsuit competition.

 Lorna parang hindi special participation sa Walang Forever

Sabi ni Rap Fernandez, special participation lang ang mom niyang si Lorna Tolentino sa Walang Forever, entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at ilang araw lang nag-shooting. Pero hindi ramdam na special participation lang si LT ‘pag pinanood n’yo ang pelikula ni Dan Villegas.

Buo ang paglatag sa karakter ni LT at malinaw nang mawala siya sa istorya. Gumaganap siyang kunsintidorang ina ni Jennylyn Mercado pagdating sa pag-ibig at relasyon nito kay Jericho Rosales.

Samantala, nag-birthday si LT noong December 23 nag-post ito ng picture sa Instagram (IG) na nagbo-blow siya ng birthday cake na bigay ng mga anak na sina Rap at Renz Fernandez sa eve ng kanyang birthday.

Rafael model na naman ang tina-target

Masaya si Rafael Rosell na mapasama sa cast ng Because Of You dahil sa tinawag nitong “awesome production” at kabilang dito ang co-stars niya, staff, at crew. Kahit inaabot sila ng madaling-araw, walang nagrereklamo sa cast dahil masaya sa set at kahit ‘yun ngayon lang nakatrabaho ni Rafael, close na sa kanya.

May taping day nga na kahit tapos na ang mga eksena ni Rafael, hindi pa rin ito umaalis dahil enjoy siya sa set. Ibinuking nga lang siya ng co-star niya na kaya hindi siya agad umalis sa set dahil ang kinukunang eksena ni direk Mark Reyes ay fashion show at maraming models sa set.

Loveless si Rafael, nag-break na sila ng GF niyang model din, kaya siguro naghahanap ng kapalit at gusto’y model pa rin ang maging next GF. May something yata ang aktor sa mga model.

ACIRC ALIGN ANG DARNA LANG LEFT PIA QUOT RAFAEL STAR CINEMA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with