‘Maging maligaya at malusog ang lahat ang Christmas wish ko’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 24, 2015 - 9:00am

Maligayang Pasko sa lahat! Ang maging maligaya at malusog ang lahat ang mga Christmas wish ko sa readers ng Pilipino Star NGAYON (PSN) na walang sawa na sumusuporta sa amin.

Huwag sanang magbago ang inyong tiwala at pagmamahal sa inyong favorite morning tabloid na may “special participation” sa Haunted Mansion, ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kabilang ang Haunted Mansion sa walong pelikula na sabay-sabay na magbubukas ngayon sa mga sinehan sa buong kapuluan.

Ang tangkilikin ang sariling atin at ang official entries ng MMFF 2015 ang hiling ko naman sa lahat para lalong ganahan ang local movie producers na gumawa ng mga pelikula.        

Marian at Dingdong may ‘Christmas gift’ sa fans

Isang buwan na kahapon si Maria Letizia, ang panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Muling naglabas ng litrato ni Letizia ang kanyang mga magulang at parang ito ang nagsilbi na Christmas gift sa kanilang fans at supporters.

Ang ganda-ganda ni Baby Letizia na napakaamo ng mukha kaya puwedeng mapagkamalan na anghel.

Hindi ako magtataka kung magkaroon si Baby Letizia ng mga product endorsement dahil napakaganda niyang bata. May dahilan talaga para kabaliwan siya ng kanyang mga magulang.

Martin Romualdez movie marathon ang pantanggal ng stress

Kakandidatong senador sa May 2016 si Congressman Martin Romualdez.

Sa kabila ng kanyang busy schedule, naghanap si Papa Martin ng panahon para makausap niya nang personal ang entertainment press.

Nangyari ang tsikahan portion ni Papa Martin at ng showbiz press noong Martes.

Ikinuwento ni Papa Martin na fan siya ng Filipino movies at ito ang kanyang stress-buster. Nawawala raw ang pagod niya sa tuwing nanonood siya ng mga pelikula.

Sa mga hindi nakaaalam, former beauty queen ang asawa ni Papa Martin na si Yedda Marie Mendoza.

Si Yedda ang Bb. Pilipinas-International winner noong 1996 at boyfriend na niya si Papa Martin nang mag-win siya ng beauty title.

Kasabayan ni Yedda sa 1996 Bb. Pilipinas sina Aileen Damiles (Bb. Pilipinas-Universe) at Daisy Reyes (Bb. Pilipinas-World).

Sa kanilang tatlo, tanging si Yedda ang hindi nag-artista dahil pumasok sa showbiz sina Aileen at Daisy.

May kutob ako na hindi nag-artista si Yedda dahil kay Papa Martin.

Wala nang balita tungkol kay Aileen na naging kontrobersyal at na-link sa isang richie rich na mhin samantalang pumasok sa mundo ng pulitika sina Yedda at Daisy. Kandidato si Daisy bilang alkalde ng Pateros at maging house representative ng unang distrito ng Leyte ang target ni Yedda.

Si Papa Martin ang incumbent congressman ng Leyte 1st District. Last term na niya kaya susubukan ni Papa Martin ang kanyang kapalaran sa senado.

INC naghahabol para sa tatlong Guinness World Record

Wala ngayon sa Pilipinas si Pops Fernandez dahil magdiriwang siya ng Pasko sa Amerika kasama ang kanyang mga anak na sina Ram at Robin.

Hindi magtatagal si Pops sa U.S. dahil babalik siya sa Pilipinas para sa pinakabongga na New Year Countdown ng Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena.

Sinabi ko na bongga at siguradong pag-uusapan ang kaabang-abang na New Year Countdown dahil may attempt ang INC na makuha ang tatlong Guinness World Record para sa largest fireworks display, longest sparkler relay at simultaneous sparkler relay.

Malaki ang tsansa na matatalbugan ng New Year Countdown sa Phi­lippine Arena ang 2016 countdown sa Sydney Harbour, Australia, Times Square New York at ibang panig ng mundo dahil sa paghahanda na ginagawa ng countdown organizers.

Ang Philippine Arena ang the place to be sa December 31 dahil sa biggest fireworks display na ngayon pa lamang mangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

ALIGN ANG LEFT MARTIN MGA NBSP NEW YEAR COUNTDOWN PAPA MARTIN QUOT STRONG YEDDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with