^

PSN Showbiz

Pauleen iyak nang iyak sa panalo ni Pia

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Ngayon pa lang ay ang may mga commercial offers na raw para sa baby nina Ding­dong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia. Pero wala pa namang napagdesisyunan ang mag-asawa.

Sabi naman ng Kapuso Primetime King, okay lang naman daw kung may mga ganung offers basta akma raw sa kanilang values ang produktong ini-endorse.

“Kami naman basta pasok sa aming mga values ang produkto. Siyempre, bukas kami sa ganun lalo na kung makakatulong na kami bakit naman hindi.

“Siyempre, we also want to be part of a brand na talagang pasok doon sa aming mga values.”

PAK: May ginawang indie film ang kilalang singer/actor, at excited siya dahil first time pa lang niyang gampanan ang role na ibinigay sa kanya.

Nakikita namin sa Instagram account niya na excited siyang gawin ang naturang pelikula. Pero pagkatapos niya itong gawin, parang hindi na natuwa si aktor. Hindi siya nagandahan sa ginawa ng direktor na first time din yatang magdirek ng pelikula.

Ang dating excitement na naramdaman niya nung sinimulan ang pelikula, ngayon ay parang ikinahihiya na niya. Ewan ko lang kung ipu-promote niya kapag magsu-showing na dahil disappointed.

BOOM: Hindi magkandaugaga si Pauleen Luna habang pinapanood ang live streaming ng Ms. Universe kahapon ng umaga.

Bestfriend ni Pauleen si Pia mula pa nung 14 years old sila. Kaya sobrang close nila at si Pia nga ang isa sa bridesmaids nito.

Pero ang usapan ng mag-bestfriends, kung manalo si Pia okay lang daw kay Pauleen na hindi na siya makarating sa kasal niya dahil alam niyang hawak na ng Ms. Universe ang schedule ng dalaga.

Sabi ni Pauleen bago in-announce ang winners, “Okay lang kahit hindi siya makauwi dito, basta siya ang Ms. Universe.”

Ayun! Nanalo nga at nakakaloka pa ang pagkapanalo ni Pia, kaya si Pauleen hindi na namin halos makausap dahil iyak na ito nang iyak.

ALIGN

ANG

HINDI

KAPUSO PRIMETIME KING

LEFT

MARIA LETIZIA

MS. UNIVERSE

PAULEEN

PERO

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with