Young actor na galing sa buena familia, galing sa subasta ang iniregalong singsing sa gf
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2015 - 9:00am

Maingay na pinagkukuwentuhan ngayon sa maraming pagtitipon ang diumano’y pagiging playboy ng isang guwapong young actor na may karelasyong pamosong singer-actress.

Kahit daw nu’n ay playboy na ang young actor, marami siyang lihim na karelasyon, karamihan sa sinasabing girlfriend ng guwapong hunk actor ay non-showbiz.

Nakararating daw naman sa kanyang girlfriend ang mga kuwento, pero pinagtatawanan lang nito, dahil buung-buo ang kanyang paniniwala na nakasentro lang ang puso ng kanyang boyfriend sa kanya.

“Deadma lang ang girl sa mga kuwento, malaki kasi ang tiwala niya sa guy. In fairness, mula naman kasi nu’ng maging sila na, e, walang kahit sinong na-link sa boyfriend niya.

“Saka ipinaglaban siya ng guy, tinanggap niya ang hamon ng pamilya ng girl na deserving siyang maging boyfriend ng singer-actress,” kuwento ng aming source.

Lapitin kasi ng babae ang guwapong young actor, hindi siya ang nagpaparamdam sa mga kababaihan, siya ang nilalapitan. Palay ang lumalapit sa manok.

Kilalang-kilala ang young actor na ito sa husay humawak ng pera. Nu’ng kaarawan ng kanyang ex ay niregaluhan niya ito ng diamond ring, pero sa katagalan, nadiskubre ng kampo ng babae na binili pala ‘yun ng binata sa isang subasta.

“’Yung mga rematado nang alahas sa isang pawnshop, ‘yun ang palagi niyang inaabangan, kaibigan kasi ng family nila ang may-ari ng bahay-sanlaan,” kuwento uli ng aming impormante.

Dati nang mayaman ang pamila ng young actor, buena familia sila, pero sa kabila ng kaginhawahan sa buhay ay natuto silang humawak ng perang pinaghihirapan nila.

“Bata pa si young actor, e, kumikita na siya, magaling siyang humawak ng pera, siguradong appre­ciated ng family ng girlfriend niya ‘yun dahil kilalang-kilala sa pagiging kuripot ang parents ng girl,” natatawa pang kuwento ng aming source.

Ubos!

My Bebe Love, ayaw magpabaya

Todo ang ginagawang promo ngayon ng My Bebe Love na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at AiAi delas Alas. Talagang naglalaan ng panahon ang cast ng MMFF entry na magpunta hanggang sa malalayong probin­sya.

Nu’ng nakaraang linggo ay dumayo sila sa Cebu at Davao, ihinapay ang kuwento ng kal­­yeserye sa paghahanap sa tatay ni Maine Men­doza na si Dodong, nakakaaliw ang episode nang magkita ang mag-ama.

Si Bossing Vic si Dodong, mag-ama nga sila dahil pareho silang magaling mag-dubsmash, naka­ka­aliw ang tanungan-sagutan nina Dodong at Alden Richards tungkol kay Yaya Dub na ikinakilig na naman ng AlDub Nation.

Ang My Bebe Love ang ngayon pa lang ay hinu­hulaan na ng ating mga ka­­­babayan na mangungunan sa mga lahok sa MMFF. Bukod kasi ki­na Bossing Vic at AiAi, kasama rin sa pe­likula sina Alden at Maine at ang mga napapanahong lola ng bayan na sina Jose Manalo at Wally Ba­yola, kaya siguradong riot sa komed­ya ang pelikulang ito.

Siguradong hindi pababayaan ng AlDub Nation na makabog ng ibang pelikula ang unang movie ng kanilang mga idolo, ang mga tagahanga pa nina Alden at Maine, ipinaglalaban talaga nila ang nangungunang loveteam ngayon.

Buhay na buhay pa rin ang lagnat ng bayan sa AlDub, maraming nagpa­palagay na habang tumatagal ay mas kapan­sin-pansin ang pagiging malapit nina Alden at Maine, kaya kilig na kilig ang kanilang mga tagasuporta sa kuwentong mukhang sila na.

ACIRC ACTOR ALDEN RICHARDS ANG ANG MY BEBE LOVE BOSSING VIC BOSSING VIC SOTTO DODONG MGA MY BEBE LOVE SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with