^

PSN Showbiz

Pauleen ipinasilip na ang invitation sa kasal nila ni Vic

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Congratulations sa hinirang na Ultimate Male and Female Survivor ng Starstruck 6 na sina Migo Adecer at Klea Pineda.

Malakas talaga si Migo sa fans kaya maaring nahatak din nito si Klea na ipina-partner sa kanya.

Pero sila naman talaga ang lutang na lutang sa Final Four kaya karamihan ay umaasang sila ang magwawagi.

Suportado ni Kuh Ledesma si Migo na pa­mang­kin nito. Siya ang nagkumbinse sa bagets na iwan ang Australia para sumali sa Starstruck.

Ang dalawang winners ay kasali sa pagbabalik ng telefantasyang Encantadia ng GMA 7.

PAK: Ipinost na ni Pauleen Luna sa social media ang imbitasyon para sa kanilang kasal ni Vic Sotto.

Magsisimula na raw silang mamigay sa mga malalapit na kamag-anak at sa mga kasali sa entourage. Inaasahang early next year ay i-announce sa Eat Bulaga ang buong detalye ng kanilang kasal.

Sa naturang noontime show mapapanood ang kabuuan ng kanilang kasal pati ang preparas­yon nito.

Ang pagkakaalam namin, sa Eat Bulaga rin makukuha ang materials ng kanilang kasal, pero magpapa-interview naman daw sila sa media na magku-co­ver sa araw na iyon. Ang gusto lang sana nilang mapanatili ay ang privacy ng seremonya dahil tahimik at simpleng kasalan ang gusto nila.

BOOM: Ipinakita sa amin ni Dingdong Dantes ang huling litratong kuha niya sa anak nila ni Marian Rivera na si baby Maria Letizia.

Parang mas nagiging kamukha na ni Dingdong ang baby, pero sabi ni Dingdong mas gusto niyang maging kamukha ni Marian.

“Naniniwala pa rin ako na ‘pag tumagal, mas nagiging kamukha niya ‘yung nanay niya,” napapa­ngiting pahayag ng GMA Primetime King.

Sa ngayon daw kasi, ang focus ni Marian ay ang pag-aalaga sa kanilang baby kaya malamang na mas makokopya nito ang GMA Primetime Queen.

Kaya sabi ni Dingdong, sa February next year pa raw maaring makabalik sa trabaho ang kanyang asawa.

“Talagang dedicated sa baby, sa pagbi-breast feed at  pag-aalaga.

“Wala siyang ibang prio­rity kundi iyon eh, nakakahanga talaga,” pahayag pa ni Dingdong nang sandaling nakatsikahan namin sa Final Judgment ng Starstruck 6 nung kamakalawa ng gabi.

ACIRC

ANG

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

FINAL FOUR

FINAL JUDGMENT

KLEA PINEDA

KUH LEDESMA

MARIA LETIZIA

MARIAN RIVERA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with