Pambato ng ‘Pinas sa Miss World hindi kahiya-hiya kahit ‘Luz Valdez’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2015 - 9:00am

Hindi nag-win sa Miss World 2015 si Hillarie Parungao ng Pilipinas pero hindi kahiya-hiya ang kanyang performance dahil pasok siya sa Top 10 candidates. Okey lang na hindi nanalo si Hillarie dahil kapapanalo lang ni Megan Young bilang Miss World noong 2013.

At least, consistent na kasali sa Top 10 contes­tants ng Miss World ang mga Pinay. Not bad dahil napapansin sa mga international beauty contest ang kagandahang Pilipina.

Pati anak sa ibang babae tanggap na Martin at Pops one happy family na naman!

Malakas ang impact ng Christmas family picture nina Pops Fernandez at Martin Nievera dahil bukod sa kanilang mga anak na sina Robin at Ram, kasama sa picture si Santino, ang anak ni Martin kay Katrina Ojeda.

Pinupuri si Pops dahil tanggap niya ang anak ng kanyang ex-husband sa ibang babae. Marami ang nagsabi na mabait talaga si Pops at siya ang ideal stepmother.

Walang reason para hindi tanggapin ni Pops si Santino dahil walang kasalanan ang bagets sa nangyari sa relasyon nila ni Martin. Saka matagal nang magkaibigan ang ex-couple na may kanya-kanya nang buhay pero good example sa mga dating magkakarelasyon na hindi magkakasundo.

Alam na natin ngayon ang isa sa mga dahilan kaya blessed na blessed si Pops. Marunong siya na magpatawad at mapagmahal siya na ina sa mga anak ni Martin.

Alden umiyak na naman, album may bagong award

Cry baby na naman kahapon si Alden Richards sa Sunday PinaSaya dahil sa bagong award na natanggap ng kanyang album sa GMA Records.

Nasorpresa nang todo si Alden kaya hindi nito napigilan ang umiyak nang sabihin sa kanya na bumenta na ng 30,000 copies ang album niya.

Certified hit ang single ni Alden na Wish I May na araw-araw at maya’t maya na pinatutugtog sa radyo. Pati ang mga paslit na bata, memorized ang lyrics ng Wish I May na gagamitin na title ng bagong afternoon teleserye ng GMA 7 na magsisimula sa January 2016.

Panahon ni Alden ang 2015 at siguradong mamamayagpag hanggang sa susunod na taon ang kanyang showbiz career. Ang phenomenal rise ni Alden at ng loveteam nila ni Maine Mendoza ang isa sa biggest showbiz news ng 2015.

Louise nag-e-enjoy sa Amerika

Napag-iwanan na ni Alden si Louise delos Reyes na dating kapareha niya sa mga teleserye ng GMA 7.

Walang masyadong balita tungkol kay Louise na ini-enjoy yata nang husto ang kanyang pagbabakasyon sa California.

Hindi sure kung kasama ni Louise sa U.S. trip ang kanyang boyfriend na si Champ Lui Pio, ang ex-frontman ng Hale band.

Hindi nagpapainterbyu sina Champ at Loiuse tungkol sa love affair nila pero marami ang nakakaalam sa kanilang relasyon na open secret sa showbiz. Hindi si Louise ang unang aktres na dyowa ni Champ dahil ex-girlfriend nito si Bianca King.

Maine walang kahirap-hirap ang pagbibida sa MMFF

Maganda-ganda na ang panahon kahapon. Makulimlim pero hindi umuulan.

Ipinagdarasal ng fans na magtuluy-tuloy na ang good weather alang-alang sa Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magaganap sa Miyerkules, December 23.

Magiging successful ang parada ng mga artista kung makikisama ang panahon.

Dinarayo taon-taon ang Parade of Stars sa Roxas Boulevard dahil ito ang bihirang pagkakataon na nakikita  ng fans ng up close and personal ang kanilang mga paboritong artista.

Garantisado na aabangan sa parada ng mga artista ang float ng My Bebe Love dahil excited ang fans na ma-sight nang personal sina AiAi delas Alas, Vic Sotto at ang loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Lucky girl si Maine dahil first movie nito ang My Bebe Love pero mararanasan niya agad na sumakay sa float at nagkaroon siya agad ng pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival. Walang kahirap-hirap ang pagpasok ni Maine sa showbiz kaya malaki ang dapat na ipagpasalamat niya sa Eat Bulaga.

ALDEN ALDEN RICHARDS ANG DAHIL HINDI MAINE MENDOZA METRO MANILA FILM FESTIVAL MGA MISS WORLD MY BEBE LOVE PARADE OF STARS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with