KathNiel bumabawi sa mga nang-iimbyerna!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - December 19, 2015 - 9:00am

Kinakain na marahil ng mga nagsabing nalalaos na ang tambalang KathNiel nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang mga sinabi.

Bukod sa hindi pa naman bumaba ang ratings ng Pangako Sa ‘Yo, nanalo pa sila ng acting awards bilang Best Foreign Actor and Actress sa Vietnam na kung saan ay ipinalalabas ang kanilang naunang seryeng Got To Believe.

Isa na naman itong malaking achievement para sa pagunahing loveteam ng bansa na ayaw pa rin tigilan ng mga supporter ng kanilang mga kalabang loveteam.

Kesa sa pag-aartista Donita nagtitiis kumita ng barya-barya sa pagluluto

Kakaunti pa lamang ang nakakaalam na nasa bansa na naman ang ex-That’s Entertainment member na si Donita Rose at pinapraktis na naman ang kanyang kaalaman sa pagluluto sa isang kainan na may pangalang Poco Deli. Akala ng lahat ay nasa Las Vegas pa ito at dun pinapraktis ang kanyang pagiging chef.

Kung bakit naman nagpipilit siyang magluto gayung mas malaki kung kumita siya bilang artista, pero passion daw niya ito dahilan kung bakit mas pinipili niyang mamalagi sa likod ng kamera at magpakain ng mga taong nagugustuhan ang kanyang mga isinisilbi sa kanila.

Ito rin ang dahilan kung bakit siya biglang nag-alsa balutan para pumunta ng Las Vegas at dun magpaka-chef.

“Masaya ako na nagluluto at dream ko nga na magkaro’n ng sarili kong sosyal na kainan na kung saan ay nakakamay ang lahat ng kumakain,” pagtatapat niya. At sa ipinamamalas niyang sipag, hindi malayong magkaroon ng kaganapan ang kanyang pangarap ng mas maaga pa sa inaasahan niya.

Meryll nanghinayang na hindi nalawayan si John Lloyd

Si Meryll Soriano pala ang love interest ni John Lloyd Cruz sa Honor Thy Father, ang isa sa walong pelikula na kalahok sa MMFF 2015 na prodyus ng Reality Entertaiment ni Dondon Monteverde, anak ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Bilang suporta sa kanyang anak ay nagbigay ng presscon si Mother Lily para sa pelikula na kung saan ay nakilala niya ang pambatong aktor ng ABS-CBN.

Nanghihinayang si Meryll na wala silang kissing scene ni Lloydie sa movie but realizes na hindi kailangan ng pelikula ng mga ganung eksena.

Kinailangang kalbuhin din si John Lloyd sa pelikula pero bago ito ay humingi muna siya ng permiso sa ini-endorso niyang hair shampoo at pinayagan naman siya. This early, hinihinuhang mag-uuwi ng maraming awards ang Honor Thy Father.

Kris at Herbert nangangamoy balikan

Kaya ba masaya si Kris Aquino ay dahil may pag-asa nang magkabalikan sila ni Mayor Herbert Bautista?

Aba eh talaga yatang na-in love ang dalawa sa isa’t isa. I just wonder kung payag na ang presidential sister na maging second fiddle sa buhay ni Mayor dahil una pa rin  ang mga anak nito sa mga prayoridad ng Mayor sa kanyang buhay na siyang naging dahilan ng una nilang paghihiwalay nila ni Kris.

Kung may nagbago man sa prayoridad ni Mayor o kung pumayag na si Kris na maging pangalawang tao sa buhay ng Mayor ang siya nating malalaman sa pagdaraan ng mga araw.

ANG BEST FOREIGN ACTOR AND ACTRESS DANIEL PADILLA DONDON MONTEVERDE DONITA ROSE GOT TO BELIEVE HONOR THY FATHER JOHN LLOYD KUNG LAS VEGAS MGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with