Pero Dingdong ‘di pabor sa ginawang account Baby Letizia libu-libo agad ang followers sa IG
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2015 - 9:00am

PIK: Mamayang gabi na ang Final Judgment ng Starstruck 6 at ngayon pa lang ay naghuhulaan na ang supporters ng naturang reality-talent search kung sino ang ihihirang na Male and Female Ultimate Survivor.           

Sa male category, malaki ang lamang ni Migo Adecer kaysa sa Cebuanong si Elyson de Dios. Mas talented si Migo at mas marami siyang supporters. Pero ewan ko lang kung magpapabaya ang mga taga-Cebu. Solid din kasi ang suporta nila kay Elyson.

Sa Female category naman, mahigpit ang labanan sa gitna nina Ayra Mariano at Klea Pineda. Maraming supporters si Ayra, pero mas type namin si Klea na mas pang-beauty contest siya kesa sa talent search.

PAK: Naging paboritong panoorin ng netizens ang in-edit na duwelo ng presidential aspirants na sina Davao Mayor Rodrigo Duterte at Sec. Mar Roxas. Magaling ang mga Pinoy gumawa ng ganung video, at nagawa nila sa video na pagsampalin sina Mar at Rody.

Aliw na aliw ang netizens sa pagkalat ng natu­rang video.

Pero ang latest ay umatras si Duterte na ma­kipagbarilan kay Mar dahil hindi naman daw ito marunong. Hindi raw muna siya makikipagsuntukan o sampalan dahil sabi ng doktor niya ay may mumps pa siya. Pero pinanindigan pa rin ni Duterte na hindi talaga graduate ng Wharton si Roxas kundi nag-crash course lang daw ito.

Hindi pa rin tumitigil si Duterte sa pang-aalaska kay Roxas.

BOOM: Dahil sa suporta sa mag-asawang Ding­dong Dantes at Marian Rivera, patuloy na duma­rami ang followers sa Instagram account na ginawa ng fans para kay Maria Letizia.

Halos 14 thousand followers na ang IG account na ZIA_DANTES, at naka-post doon ang lahat na mga litrato ni Baby Letizia na nai-post mula sa account nina Dingdong at Marian.

Nakalagay naman doon na naka-dedicate raw ang account kay Baby Zia.

Tatlo lang ang pina-follow ng naturang account, ang kay Dingdong, Marian, at ang Dongyanatics. Pero hindi naman ito pina-follow ng mag-asawa.

Actually, ito ang account na ginawa para kay Baby Letizia na may pinakamaraming followers. Meron pang ibang ginawang IG account para sa bagets pero kokonti lang ang pumapatol.

Sabi naman ni Dingdong sa isang interview, “As parents, gusto namin na maibigay sa kanya ‘yung kanyang right to actually put up her own social media sites later on if and when she decides to do so.”

Kaya sana irespeto na lang daw ang hiling na ito ni Dingdong.

ACCOUNT ACIRC ANG AYRA MARIANO BABY LETIZIA BABY ZIA DAVAO MAYOR DUTERTE NBSP PERO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with