^

Jodi appreciated ang kagwapuhan ni Ian

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2015 - 9:00am

Masayang-masaya si Jodi Sta. Maria dahil napabilang ang kanilang tambalan ni Ian Veneracion sa pelikulang All You Need Is Pag-Ibig na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Nagsimulang kakiligan ng mga tagahanga ang tambalan nina Jodi at Ian sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo.

Kakaibang karanasan para kay Jodi ang kanilang pelikula kumpara sa nasabing serye. “Siguro mas light compared do’n sa napapanood nila tuwing gabi. And ‘yung story namin ni Ian dito parang he’s just trying to move on from a broken heart and then parang boss ko kasi siya. So ako, parang may long time crush sa kanya pero alam kong hanggang do’n lang ‘yun. Never ko ie-expect na magle-level up or anything,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa gwapong aktor katulad ni Ian siya napareha. “Sinabi ko nga, nag-mall show kami parang two weeks ago, sinabi ko talaga sa mga tao na in-appreciate ko ‘yung kanyang kagandahan bilang lalaki. Kasi gwapo naman talaga siya eh,” giit ni Jodi.    

Albert, naaawa kay JM

Maliit lang dapat ang bahagi ni Albert Martinez sa teleseryeng All Of Me. Si JM de Guzman talaga ang pangunahing bida ng nasabing programa pero nawala rin ang aktor dahil sa personal na problema nito.

Ngayon ay si Albert na ang naging bida nang mawala si JM sa proyekto. “Originally talaga, I’ll be honest and candid with you. Ang agreement talaga namin with All of Me is the pilot which I fell in love with the very first day na na-present sa akin. It’s something I want to do, saka kailangan ko siyang gawin because I’m going through a process and ‘yun na ‘yon,” bungad ni Albert.

“Hindi ako bumitaw sa project. Actually, kinommend ko nga si JM. Sabi ko, ang galing ng transition. Hindi mo naramdaman na si Doc Manuel, tapos naging si Edong. Ang ganda ng pagka-handle niya which I’m very happy. Actually, happy ako all the way hanggang to the moment na um-exit si JM. Now, may usapan kami na pwede akong lumabas sa dulo ‘pag naayos na si JM, ni Edong ‘yung kanyang journey. ‘Yun ang original idea,” paliwanag ng aktor.

Sobrang ikinalungkot daw ni Albert kung ano man ang nangyari sa personal na buhay ni JM. “I really felt so bad. Number one, he’s young. Number two, hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganoon klaseng opportunity. Number three, he’s very ta­lented. Nakita ko ang sarili ko sa kanya eh. Kung gaano siya mag-focus sa trabaho, magpursige, kung paano niya mahalin. Tapos, dumating sa ganoong sitwasyon. Parang nadurog din ang puso ko sa nangyari sa kanya. I’m still hoping na kung sabihin nila sa akin na babalik na siya, I will give it back to him because deserving siya eh. I mean wala akong maisip na ibang taong gagawa no’n except him. I’m hoping na maka-recover siya kung ano man ‘yung pinagdadaanan niya,” pagbabahagi ng aktor.

ACIRC ALBERT MARTINEZ ALIGN ALL OF ME ALL YOU NEED IS PAG-IBIG ANG DOC MANUEL IAN JODI QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with