^

PSN Showbiz

Halos ‘di maghiwalay sa shooting Derek at Solenn nangangamoy balikan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Back to shooting ng Love is Blind sina Derek Ramsay and Solenn Heussaff. Pero ayon sa source, hindi pala easy ang naging process para mapapayag si Solenn na makasama uli ang ex na actor.

Ayon sa source, ayaw daw sa umpisa ni Solenn pero hindi nagtagal ay napapayag naman ito bilang may contract sila sa Regal Films. Pero may kondis­yon daw ha. Wala silang kissing scenes.

Pero nang malaman daw nito na kung hindi siya papayag ay si Kiray at si Derek na lang ang may halikan sa mga ek­sena, bigla raw itong ku­mambyu. At nag-dialo­gue na raw ito na ok siya as in she can do it.
Besides sa una raw tala­gang pagkikita ng dala­wa sa shooting ay may ilangan factor pero nang kalma na ang paligid ay halos ayaw na raw nilang maghiwalay. Wala raw gina­wa ang dala­wa kundi mag-usap nang mag-usap.

May ilang shooting days pa raw na natitira para sa na­sabing pelikula na Feb­rua­ry next year pa ipalalabas kaya may time sila na mag-bon­ding nang mag-bonding.

‘Yun nga lang pareho silang committed ‘di ba?

Heart Evangelista, todo ang raket sa pagpipinta sa mga Hermes bag

Lalo pang naging inspired ngayon si Heart Evan­gelista sa pagpipinta, lalo na sa mga expensive bags like Hermes. Dahil kakatapos lamang ng kanyang primetime series na Beautiful Strangers, mas na­gawa ng Kapuso actress na pagtuunan ng pansin ang kanyang hilig sa pagpipinta.

Makakaasa naman daw ang kanyang mga taga-suporta na mas madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw.

Anyway, nasa Sorsogon sa kasalukuyan si Heart kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero para personal na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Nona na nanalasa sa bansa hanggang kahapon.

StarStruck Final 4, matalik na magkakaibigan

Sina Klea Pineda, Elyson De Dios, Ayra Mariano at Migo Adecer na lang ang natitirang StarStruck hopefuls. At sa tagal na nilang magkaka­sama, talagang nabuo na raw ang kanilang pagkakaibigan. Kaya na­man kahit na mas tumitindi na ang kompetisyon ngayong apat na lang sila, pananatiliin pa rin nilang healthy ang competition sa pagitan nilang lahat.

Mula sa libu-libong nangarap na pumasok sa industriya ng showbiz, kinilala ang Final 4 at nga­yong Sabado (Disyembre 19) malalaman na sa Final Judgment kung sino ang tatanghaling Ultimate Male at Female Survivor.

Sino nga ba ang mas kara­pat-dapat maging Ultimate Male Survivor? Ang pambato ba ng Bacolod na si Migo o ang proud Cebuano ba na si Elyson? Pagdating sa mga artista-challenges, ipinapakita ni Migo ang kanyang kakayahan kaya naman isang ‘threat’ kung ituring siya ng kanyang mga fellow artista hopefuls. Kaya naman handang-handa na si Migo na ipakita ang kanyang kakayahan.

 “Opo, claim it! Yes, I can be the survivor,” sagot naman ni Elyson nang tanungin kung karapat-dapat ba siyang maging Ultimate Male Survivor. Isa sa mga pinakabata sa batch, kinatutuwaan naman ng karamihan si Elyson sa pagiging palangiti at char­ming nito.

Matinding pasiklaban din ang dapat abangan mula sa bet ng Caloocan na si Klea Pineda at sa muse ng Bulacan na si Ayra Mariano. Isang “bonus from God” kung ituring ni Klea ang pagiging bahagi niya ng Starstruck .

Punung-puno rin ng determinasyon si Ayra na makukuha niya ang titulong Ultimate Female Survivor. Bagamat may karanasan na sa mga commercials, hindi nababawasan ang pagiging pursigido ni Ayra na makamit ang kanyang pangarap.

Kilalanin ang mga tatanghaling Ultimate Male at Female Survivor ngayong Sabado, 9:20 ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman sa Starstruck: The Final Judgment sa GMA7.

 

ACIRC

ALIGN

ANG

AYRA MARIANO

ELYSON

FEMALE SURVIVOR

LEFT

MGA

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with