Julie Anne gustong magpasabog sa 2016
(Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hinakot ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang Best Selling Album of the Year award para sa kanyang album na Deeper at Best Rap Recording sa katatapos lang na Awit Awards 2015 noong December 9 sa Music Museum.

Organized by the Philippine Association of the Record Industry (PARI), ang Awit Awards ay isa sa pinakaprestihiyosong award-giving bodies sa Pilipinas na kumikilala sa passion at talent ng bawat Filipino sa larangan ng musika.

Labis-labis nga ang pasasalamat ni Julie Anne sa oportunidad na maibahagi ang kanyang talent at aniya, “This is an early Christmas gift for me. Masaya sa feeling na nagkaroon ulit ako ng achievement, ng another blessing. I am forever grateful to my supporters. Sa kanila ko inaalay lahat ng mga kanta ko. Para sa kanila ang lahat ng ‘yon.”

Todo-push na nga ang Kapuso star para mapatunayan na lalo pa niyang gagalingan at pagbubutihan.

In fact, ang kanyang kanta na Forever ang Most Wanted Song of the Week ng Barangay LS-FM.

Kaya dapat abangan ng fans si Julie Anne sa 2016 dahil balitang meron siyang pasabog na bagong album at concert.

ANG AWIT AWARDS BEST RAP RECORDING BEST SELLING ALBUM OF THE YEAR HINAKOT JULIE ANNE JULIE ANNE SAN JOSE MOST WANTED SONG OF THE WEEK MUSIC MUSEUM PHILIPPINE ASSOCIATION OF THE RECORD INDUSTRY POP SWEETHEART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with