Mayayamang fans sinimot na ang ticket sa concert ng JaDine
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2015 - 9:00am

Sa February 20, 2016 na ang JaDine In Love concert nina James Reid at Nadine Lustre sa Smart Araneta Coliseum at totoo ang tsika na sa first day release ng ticket, sold out na ang pinakamahal na ticket. Ang VIP section na P4,770 ang worth ng ticket ang pinakamahal at gustong mabili ng lahat para malapit sa stage.

Sa announcement ng Philippine Concerts, pati ang Patron, Box Premium, at Box Regular ay sold out na rin. Few seats left naman ang Upper Box. Ang General Admission tickets na lang ang hindi nari-release at tiyak na magsu-sold out din.

May mga nagre-request sa Viva TV na gawing two-day concert ang JaDine In Love dahil sold out agad ang VIP section at tiyak na maso-sold out din.

Natawa kami sa post ng isang JaDine fan na “TO ALL RICH JADINES: WAG NIYO KAMI UBUSAN NG TIKET PLEASE LANG. HUHUHU.” Kaya lang, late na ang panawagang ito dahil almost sold out na nga ang ticket.

Masaya ang JaDine fans dahil bago ang concert, mapapanood nila sina James at Nadine sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Beauty and The Bestie na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin.

Kris hindi pa rin tumataba kahit matakaw sa kain at tulog

Sa pagbabasa sa comments sa Instagram (IG), may viewers ng Little Nanay na concerned sa weight ni Kris Bernal. May nagpapayong damihan nito ang kinakain at matulog ng maa­yos.

Ang winner pa ay ang comment na magpa-check up si Kris at baka may sakit na siya. Pero na-explain na ni Kris na wala siyang sakit at kahit malakas siyang kumain ay payat pa rin siya dahil sa tuluy-tuloy na pagdyi-gym.

Kanta ni Alden damay din sa serye nina Miguel at Bianca

Masaya ang fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa balitang tuloy na ang airing ng Afternoon Prime na Wish I May na kinabibilangan ng dalawa. Hihintayin na lang na matapos ang The Half Sisters.

Sa January 18, 2016 na ang pilot ng Wish I May and at least, sikat pa rin ang song ni Alden Richards sa airing ng teleserye.

Samantala, may endorsement sina Miguel at Bianca ng isang sikat na fast food chain. Nakapag-shoot na ng TVC ang dalawa at next year ang airing.

David Pomeranz kinontrata pa ng Kapamilya para kina Elmo at Janella

May version yata sina Elmo Magalona at Janella Salvador ng theme song ng teleserye nila sa ABS-CBN na Born For You dahil may nakita kaming picture nila sa social media na nagre-recording. Saka sa hashtag na ginamit ng Dreamscape ay #B4URecording #BornForYou.

Pero may picture rin si David Pomeranz recording his own song, kaya baka dalawang version ang theme song ng teleserye. May picture rin na magkasama sina Elmo, Janella at David.

Alden, Jake, Tim, at Kuya Germs suportado ang dialysis center sa GMA

May magandang balita sa kidney patients na taga-Quezon City at kahit ‘yung hindi taga-Kyusi. Bukas na ang A+ Dialysis Center na nasa 4th floor ng GMA Employees Multi-Purpose Cooperative (GEMPC) na nasa Timog.

May 30 dialysis machines at bawat pasyente ay may individual TV na may tablet functions para sa gustong maka-konek sa Internet. Accessible sa public transport ang A+Dialysis na nasa harap ng GMA Network.

Sa blessing ng A+Dialysis, dumating sina Alden Richards, Jake Vargas, Tim Yap, at German Moreno. Si Atty. Anette Gozon ang may-ari ng A+Dialysis na sa nakita naming pictures ay sosyalin, pero affordable sa mga pasyente.

AFTERNOON PRIME ALDEN RICHARDS ANETTE GOZON ANG ANG GENERAL ADMISSION BEAUTY AND THE BESTIE DAVID POMERANZ IN LOVE NBSP STRONG WISH I MAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with