_ngayon
^

PSN Showbiz

Alden pinaiyak na naman ni Maine!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Umiyak na naman kahapon si Alden Richards sa Eat Bulaga nang magbigay siya ng mensahe kay Maine Mendoza para sa kanilang 5th month anniversary.

Naging emosyonal na naman si Alden nang sabihin nito na blessing sa kanyang buhay si Maine.

Mula kasi nang maging popular ang kanilang loveteam, dumami ang mga raket ni Alden, nagkasunod-sunod ang mga product endorsement niya at natupad ang lahat ng kanyang mga pangarap.

I’m sure, fully paid na ang bagong bahay na ipinatayo ni Alden na nakabili na ng brand new car. Puwede na uli na magpatayo ng bagong bahay si Alden dahil limpak-limpak na ang kanyang kinikita.

Hindi lamang si Alden ang napaluha kahapon sa Eat Bulaga.

Hindi rin napigilan ni Maine na mapaiyak nang magkaroon ng re-enactment ang audition niya sa Eat Bulaga noong June 19.

Pinatayo ni Alden si Maine sa exact spot ng Eat Bulaga stage na puwesto ng dalaga nang mag-audition ito.

Ipinaulit ni Alden ang mga ipinagawa kay Maine, ang Sisa character na naghahanap sa kanyang mga anak na sina Basilio at Crispin.

Tumulo ang luha ni Maine dahil gaya ni Alden, malaki ang ipinagbago ng takbo ng kanyang buhay mula nang maging Dabarkads siya ng Eat Bulaga.

Nangako sina Alden at Maine sa isa’t isa na pahahalagahan ang kanilang friendship at patuloy na maghahatid ng ligaya sa mga supporter nila.

Tickets sa first night ubos na concert nina James at Nadine malamang magka-second night

Sold out na ang tickets para sa JaDine Love, ang One Hot Concert nina James Reid at Nadine Lustre sa Smart Araneta Coliseum sa February 20, 2016.

Nagsimula ang ticket selling noong Martes at kahapon, sold out na ang tickets para sa VIP, Patron, Box Premium, Box Regular at konti na lang ang tickets para sa Upper Box Section.

Ganyan katindi ang hatak ng loveteam nina James at Nadine. Nag-nega na ang ibang mga loveteam pero solid pa rin ang suporta ng fans sa JaDine.

Sa lakas ng benta ng tickets, hindi malabo na magkaroon ng repeat ang JaDine concert na mangyayari pa lang sa February 20.

Bangayan nina Mar Roxas at Duterte, pampelikula

Excited na akong malaman ang resulta ng DNA test kay Senator Grace Poe at sa mga babae na lumitaw at nagpakilala na posibleng mga kamag-anak niya.

Kapag nag-match ang DNA test, tapos na ang paghahanap ni Mama Grace sa kanyang mga tunay na magulang kaya hindi na siya maituturing na foundling. Mababawasan na ang mga sagabal sa pagtakbo niya bilang pangulo ng Pilipinas sa 2016.

Parang teleserye na sinusubaybayan ang mga kaganapan sa buhay ni Mama Grace na pansamantalang natabunan ng sagutan nina Davao City Mayor Rody Duterte at former DILG Secretary Mar Roxas.

Kung drama ang genre ng mga nangyayari kay Mama Grace, action/comedy naman ang kategorya ng bangayan nina Papa Rody at Papa Mar. Aliw na aliw ang madlang-bayan sa mga makukulay na salita na pinakakawalan nina Papa Mar at Papa Rody. Hindi lamang sila pampulitika, pampelikula rin at pang-sports pa!

Megan halos ayaw pakawalan ng taga-Miss World!

Pahinga muna si Megan Young sa taping ng MariMar dahil nagpunta siya sa Sanya, China para sa coronation night ng Miss World 2016.

Si Megan ang emcee ng big night ng Miss World sa December 19 kaya halatang-halata na paborito siya ni Julia Morley, ang bossing ng Miss World Organization.

ALDEN ALDEN RICHARDS ANG BOX PREMIUM BOX REGULAR EAT BULAGA MAMA GRACE MGA MISS WORLD PAPA MAR PAPA RODY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with