Star-studded Christmas special, ng ABS-CBN eere na
(Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagsama-sama ang mga bigating Kapamilya stars pati executives sa pagsabi ng thank you for the love at pagpapasaya sa milyun-milyong tagasuporta sa Kapamilya, Thank You For The Love: The ABS-CBN Christmas Special, na ipapalabas ngayong Sabado at Linggo (Dec 19 & 20).

Pinangunahan ng love teams nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Enrique Gil at Liza Soberano, at James Reid at Nadine Lustre, ang pagpapadama ng pag-ibig sa taunang ABS-CBN Christmas Special na ibinida ang kahalagahan ng pagpapasalamat at pagmamahalan na isinasalamin ng tema ng Christmas station ID ng Kapamilya network.

“Ang Pasko at Bagong Taon ay mas maganda pang pakinggan pag dudugtungan natin ng maraming salamat. Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin, may pagmamahalan tayo sa isa’t isa, kaya nararamdaman natin ang tunay na diwa ng Pasko,” ani ABS-CBN chairman Eugenio “Gabby” Lopez III sa Christmas special.

Ipinaliwanag din ni ABS-CBN president at CEO Charo Santos-Concio kung bakit pag-ibig ang diwa ng Pasko. Ayon kay Concio, “Ang Pasko o ang kapanganakan ni Jesukristo ang pinakadakilang paraan ng Diyos upang ipadama sa atin na lahat tayo ay mahal niya ng walang hanggan. Kaya’t sana, walang tigil din tayong magmahalan at magpasalamat sa bawat isa.”

Umaapaw din sa pag-ibig at saya ang Christmas special dahil sa iba’t ibang nakakaaliw at nakakakilig na production numbers ng Kapamilya stars.

Ilan sa mga natatanging performance sa Christmas special ay ang pagpapakilig ng Kapamilya leading men na pinangunahan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz; ang duet nina Ang Probin­syano stars Coco Martin at Simon Pineda; ang engrandeng Your Face Sounds Familiar production number; ang circus-inspired performance ng It’s Showtime family; ang global Pinoy pride tribute nina Gary V. at Bamboo sa mga Pinoy na nag-iwan ng marka abroad; at ang espesyal na back-to-back performances ng cast ng All You Need is Pag-Ibig at Beauty and the Bestie, at ang nakakaantig na sorpresa ni Vice Ganda sa kanyang ina.

Huwag palampasin ang lahat ng performances ng inyong paboritong Kapamilya stars sa Kapamilya, Thank You For The Love: The ABS-CBN Christmas Special, ngayong Disyembre 19 (part 1) and 20 (part 2) sa ABS-CBN.

ACIRC ALL YOU NEED ANG ANG PASKO ANG PROBIN BAGONG TAON BEAUTY AND THE BESTIE CHARO SANTOS-CONCIO CHRISTMAS SPECIAL KAPAMILYA THANK YOU FOR THE LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with