^

Sharon pabor sa balikang Piolo at KC!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2015 - 9:00am

Masaya si Sharon Cuneta dahil nagkaayos na sila ni Piolo Pascual kamakailan. Hindi raw inakala ng aktres na maaayos kaagad ang gusot sa pagitan nila ni Piolo. “Piolo and I are friends now right and also I wrote something about it on my Facebook page and I didn’t see him coming. He just came and hugged me you know, halos maiyak ako. Marami kasing hindi alam ang tao sa kumbaga samahan (namin) before. Everything na nagkagulo ganyan but I’m very happy God talaga works in mysterious ways,” bungad ni Sharon.

Ilang taon na ang nakalilipas nang magkahiwalay sina Piolo at ang anak ng Megastar na si KC Concepcion. Nagkaayos na rin ang dating magkasintahan kaya wala na raw problema kay Sharon kung sakaling magkasama muli sa proyekto ang dalawa.

Nangangarap din si Sharon na makatrabaho si Piolo sa isang proyekto. “Si Piolo and KC, they should work together again because Piolo’s such a great actor. In fact I’d like to work with Piolo. I want to work with the new generation of actors and actresses and also people that I’ve worked with before” nakangiting pahayag ng Megastar.

Wala na ring isyu kay Sharon kung sakaling magkabalikan sina Piolo at KC. “Okay lang sa akin. Kahit sino basta masaya ang anak ko because you know she’s old enough. I don’t see her quite often kahit hindi kami lagi magkasundo o ‘di kami nagkikita, alam naman niya na mahal ko siya at alam kong mahal niya ako. So whatever she decides, I will support 100% and kahit hindi, Piolo is already kaibigan na namin. Malapit sa puso,” paliwanag pa niya.

Aiko bihira nang makita ang spanish ‘bf’

Spanish businessman si Mario Claudio na sinasabing espesyal daw ngayon sa puso ni Aiko Melendez. Hindi pa opisyal na magkarelasyon ang dalawa at bihira lamang daw makita at makasama ni Aiko ang lalaki. “He finances for construction building, he’s taller than me, siguro mga 5’ 11. He flies in and out of Manila then Spain. Kasi ‘yung main business nila nasa Spain and then ‘yung dito nagco-construct sila ng building. He’s 34 (years old), never been married,” pagbabahagi ni Aiko.

“In a span of 6 months, once a month (lang magkita) kasi busy tapos ako naman Baler ako lagi so hindi kami nagkikita. Hindi ko talaga masasabi na he’s really my boyfriend. Siya, ako lang ang kinikita niya. Ako din naman siya rin lang so I guess it’s exclusively dating,” pagtatapat ng aktres.

Naipakilala na rin daw ni Mario si Aiko sa mga magulang ng binata sa pamamagitan ng Skype.

“Siyempre in Spanish pero if I’m going to translate it he said, ‘Mom, Dad, this is the love of my life.’ They’re planning to come here next year, gusto raw ako makilala,” kwento ng aktres.

Ipinagdasal daw talaga ni Aiko ang lalaking kanyang susunod na mamahalin at makakasama habangbuhay.

“Pinag-pray ko, sabi ko someone who’s responsible and someone who’s gonna love my kids. Sanay ako sa sobrang intense na relationship like kailangan everyday tatawag, kailangan everyday magkikita.

So binigyan ako ni Lord siguro ng magiging partner ko in the future na kalma lang, na very secured na kahit hindi kami magkita madalas, alam kong mahal niya ako,” giit ng aktres.

Ngayong araw ay nagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan si Aiko.

ACIRC AIKO AIKO MELENDEZ AKO ANG HINDI MARIO CLAUDIO MEGASTAR PIOLO PIOLO AND I PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with