Tom na-shock sa inamin ni Megan!
(Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Ibinigay ni Bella (Megan Young) ang kuwintas kay Angelika (Jaclyn Jose) pero hindi ang titulo ng resort kaya manggagalaiti sa galit ang huli. 

Galit na galit naman si Antonia (Lauren Young) nang malaman niya ang ipinagawa ni Bella sa ma­ma niya. Hindi sila ngayon titigil sa kakaisip ng paraan para makaganti kay Bella.

Tatanungin ni Cruzita (Ashley Cabrera) si Bella kung totoong si Sergio (Tom Rodriguez) ang Daddy niya. Aaminin ni Bella ang totoo. Pero pagbabawalan niya ito na makipag-usap o makipagkita sa ama niya.

Maglalayas si Cruzita at magpapagala-gala sa kalye sa kahahanap kay Sergio.

Sergio discovers na may affair sina Nicandro (Dion Ignacio) at Angelika dahil nahuli niya silang naghahalikan.

Papalayasin ni Sergio sina Angelika, Antonia at Perfecta (Candy Pangilinan) sa mansion.

Mapapahamak si Cruzita, mahuhulog siya sa butas sa may basurahan.

Sasagipin ni Nicandro ang mag-inang Angelika at Antonia sa kalye.

Maililigtas mula sa pagkakahulog sa butas si Cruzita at sakto naman na palabas si Sergio at makikita niya nang isugod ang bata sa ospital sakay ng ambulansiya.

Itatawag ni Sergio kay Bella ang tungkol kay Cruzita; noong una ay binalewala ni Bella ang tawag at agad na tinapos ito pero nang sumunod ay nasabi na ni Sergio na nasa ER si Cruzita.

Gusto pa sanang magbantay ni Sergio hanggang magising si Cruzita pero wala na siyang nagawa nang magmatigas si Bella na paalisin siya.

Pupunta sina Corazon (Jaya) at Fulgoso sa ospital, pero ipapaiwan ng guard ang aso sa labas at makikita ito ni Sergio.

Babalikan ni Corazon si Fulgoso at magkikita na nga rin sila ni Sergio kaya luminaw ang mga bagay-bagay kay Sergio at agad itatanong kung nasaan si Marimar (Megan Young). Magmamadaling pupuntahan ni Sergio ang kuwarto ni Cruzita sa kabila ng pagpigil sa kanya ni Corazon; pagbukas niya ng pinto ay makikita niya agad si Bella.

Tulog si Cruzita kaya agad na sasalubungin ni Bella si Sergio at itutulak palabas ng kuwarto para doon sila mag-usap. Galit si Bella sa panggugulo ni Sergio pero nang banggitin ni Sergio na nakita niya si Fulgoso na kasama ni Corazon kaya wala na siyang magagawa kundi aminin kay Sergio na siya nga si Marimar. Shocked si Sergio sa pag-amin ni Bella.

ANG ANGELIKA ANTONIA ASHLEY CABRERA BELLA CORAZON CRUZITA FULGOSO MEGAN YOUNG NIYA SERGIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with