Sarah napisil na Darna?!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2015 - 9:00am

Parang narinig ko, pero hindi ko lang alam kung kanino na isa pala sa kinokonsidera para gumanap na Darna si Sarah Geronimo. Yes, ang Pop Princess. Napakagandang development ang maibibigay nito sa kanyang karera kapag pumayag siyang magsuot ng costume ng popular na heroine at lumipad-lipad sa ere.

At bagay kay Sarah na magsuot ng tangga dahil mapintog ang mga hita niya. Sana nga ay siya ang mapili.Pero nauna nang sinabi ni Sarah na ayaw niya raw ang role.

Baka naman magbago siya ng isip lalo na nga at matagal tagal na niyang sinabi na ayaw niya.

Aljur mailap ang lovelife

Kung meron mang mahalagang leksyon na natutunan si Aljur Abrenica sa naging sigalot nila ng Kapuso Network na humantong sa panlalamlam ng kanyang karera, ito ay ang pagsasampa niya ng kaso laban sa istasyon na matagal din niyang pinag­lingkuran nang hindi muna sinasangguni ang kanyang pamilya. 

“Dapat ipinagpaalam ko muna sa kanila. Ang pamilya kasi dapat, alam lahat ng nangyayari sa bawa’t miyembro. Dapat 100% open sa isa’t isa para walang naliligaw. Nakita ko kung paano nagdalamhati ang aking ina at ayaw ko nang makita ‘yung muli sa kanya.

“Thankful ako sa mga naging kaganapan sa karera ko. Sumisigla na ulit ang career ko. I only wished for more films at nangyayari na ‘yun. Sana lang ay magtuluy-tuloy na pagkakasundo namin ng GMA. I have high hopes dahil binibigyan naman nila ako ng trabaho. Pinapag-audition nila ako. Nag-audition ako sa Dangwa at nakapasa naman ako.   

“Maski na sa mga indie films ay nabibigyan ako ng work. May natapos na akong Mabalasik Express, EDSA kasama si Kris Bernal at itong Hermano Puli na bagaman at hindi nakasama sa MMFF (Me­tro Manila Film Festival) 2015 dahil sa kakapusan ng budget ay nakakita naman ng producer na gagastos para mapanood ito sa Mayo sa 2016.

“Excited ako to work on Hermano... dahil makakasama ko rito ang dalawa ko pang kapatid, sina Vin Abrenica na I’m sure ay kilala na ng lahat at si Allen Abrenica, my 16-year-old brother na nagpamalas ng husay sa pag-arte sa movie. Nakaka-proud na maging kuya nila dahil nang magsimula ako ay wala akong kaalam-alam sa pag-arte. Si Vin ay na-train na sa acting, pero si Allen ay kabagu-bago pa lamang ay napaka-ganda na ng performance. May breakdown scene ito na nagawa niya nang maayos at maganda,”  pagmamalaki ng kuya.

Sa lovelife lamang tila mailap ang swerte kay Aljur. Wala siyang special girl. Family and friends lamang ang nagpapasigla sa kanya at nagbibigay ng inspirasyon.

Willing siya to start anew with GMA. Hindi pa tapos ang kaso nila, pero positive siya na magiging maganda ang reulta nito. Maraming bagay siyang ginawa na ngayon lamang niya naiintindihan nang lubos. Unti-unti ay nakakabawi na siya. Ayos na sila ni Enzo Pineda. Nagkaintindihan na sila at naipaliwanag na niya na hindi siya ang dahilan ng break-up nila ni Louise delos Reyes. Nag-uusap na silang tatlo ngayon. 

Phillip hindi marunong rumespeto sa kasamahan sa industriya?!

Tama nga kaya ang senyales na tinanggap ni Phillip Salvador mula sa Panginoon na dapat na niyang tapusin ang karera sa pulitika bilang bise-gobernador ng kapwa niya aktor na si Daniel Fer­nando na siyang kasalukuyang may hawak ng posisyon at tatakbong reeleksyunista?

Ayon sa mas nakararami, dapat daw ay hindi bilang respeto na rin sa isang kapatid sa industriya.

Maine ayaw madamay sa problema nina Alden at Julie Anne

Dapat lamang talaga na kay Maine Mendoza magsimula ang pagbabatian nila ni Julie Anne San Jose dahil nasabit lamang naman ito sa isyu nila ni Alden Richards. At kung may isyu man ito at si Alden, dapat hindi madamay si Maine.

Iba at hindi ito ang nagsabi na may relasyon sila ni Alden.

Tama lang na unang bumati sa singer si Maine at mag-sorry nang magkita sila sa dressing room ngSunday PinaSaya.

Nakuha pa ng baguhan ang simpatiya ng lahat for her humility and kind gesture. Tama yan, Yaya. Matutuwa pa sa ‘yo si Lola Nidora.

 

ACIRC AKO ALDEN RICHARDS ALJUR ANG DAPAT HINDI NBSP NILA NIYA TAMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with