^

Erich sa pamilya ni Daniel magpa-Pasko

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2015 - 9:00am

Sa susunod na buwan ay mapapanood na sa Kapamilya network ang kauna-unahang teleserye na pagtatambalan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, ang Be My Lady. Masaya raw si Daniel dahil halos araw-araw silang magkasama sa trabaho ng kasintahan. “Masaya siyempre, it’s even easier kasi nandito ‘yung girlfriend ko para sa akin. Super masaya kami at least we get to spend time with each other and at the same time, we are enjoying our days sa taping. Kahit sobrang init sa Pampanga ‘yung taping namin, super enjoy kami and it makes it easier,” paliwanag ni Daniel. 

Ginagabayan at tinutulungan daw ni Erich ang binata sa mga eksena na kanilang ginagawa. “Actually from the start she’s always giving me positive feedback and I try to make myself improve especially in the delivery of my lines. When you have to open your mouth in certain things, kasi sa Brazil, Portuguese kami. May Spanish theme, iba ‘yung salita so iba ‘yung way of saying the words. So sometimes, most of the time she’s also helping me with that. The way you pause, the way you speak, the way you react,” pagbabahagi ni Daniel. 

Samantala, ngayong Kapaskuhan ay makakasama raw ng buong pamilya ni Daniel si Erich. “Nandito ‘yung father ko, my mom, my family is here. Just my brother, he is in Brazil because he need to study. So all of us will spend somewhere together, we’re still fixing the dates, we have taping. I’m not sure if sa Philippines or abroad basta we’re all together,” pagtatapos ni Daniel.

Mga anak ni Ian naiintindihan ang ‘relasyon’ nila ni Jodi

Isa sa mga kinakikiligang tambalan sa Primetime Bida ng ABS-CBN ay sina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria. Kamakailan ay napabalitang pinagseselosan na diumano ng asawa ni Ian si Jodi dahil sa kanilang mga eksena sa Pangako Sa ‘Yo. “Alam naman niya that I am professional pagdating sa trabaho. Si Jodi is very professional. Kilala din niya si Jodi, alam niya na magkaibigan kami ni Jodi. Nandoon ang chemistry namin ni Jodi sa lahat ng eksena kasi comfortable kami sa isa’t isa,” paglilinaw ni Ian. 

“Akala namin ni Jodi, nandoon kami to support KathNiel. Tapos natutuwa kami, tumataba ang puso namin na may sumusubaybay din pala sa istorya ng part namin. Nakakatuwa, napaka-supportive din naman nina Daniel at Kathryn,” dagdag pa ni Ian.  

Naiintindihan din daw ng mga anak ng aktor ang kanyang trabaho kaya wala itong problema sa kanila. Kapag nagtapos ang nasabing serye ay gusto raw munang magpahinga ni Ian upang makapagtuon ng panahon sa kanyang pamilya. “Hindi ko alam kung ano ang nakalinya. Pero kung ako lang, I’d prefer na magkaroon ng kaunting break. Kung magkaroon ng susunod na trabaho, thank you ‘di ba? Pero siyempre I’d prefer a break after this long teleserye to prepare myself for the next role,” giit ng aktor.   

 

ACIRC ANG BE MY LADY. DANIEL DANIEL MATSUNAGA ERICH ERICH GONZALES IAN IAN VENERACION JODI NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with