^

PSN Showbiz

Marlo umaasang hindi magbabago ang ‘relasyon’ nila ni Janella

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi ikinakaila ng singer-actor na si Marlo Mortel na nalungkot siya sa naging desisyon ng ABS-CBN na ipareha ang kanyang ka-loveteam na si Janella Salvador sa bagong Kapamilya actor na si Elmo Magalona sa bago nilang teleserye.

Unang nabuo ang loveteam nina Ja­nella at Marlo sa hit morning TV series na Be Careful with My Heart na tuma­gal sa ere ng mahigit dalawang taon at pi­­nalitan ng Oh My G! na pinagtambalan naman nila ni Janella at kasunod dito ang pag-launch sa kanila ng Regal Films para magbida sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Haunted Mansion ka­­­sa­ma si Jerome Ponce mula sa direksiyon ni Jun Lana, their very first movie na magkakasama and individually.

Aminado si Marlo na espesyal ang trato niya kay Janella pero tila ito’y maaapektuhan dahil iba na ang makakatambal at loveteam ng Kapamilya teen star.

Kahit fans nina Janella at Marlo ay nalungkot din nang malaman nila na ipapareha na sa iba ang dalaga.

Ganunpaman, umaasa si Marlo na hindi magbabago ang espesyal na pagkakaibigan nila ni Janella na unang nabuo sa set ng Be Careful with My Heart.

Robin type makatrabaho sina Angel, Anne, at Bea!

Balik-Kapamilya ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriquez-Padilla. Naunang bumalik si Mariel sa Kapamilya Network nang ito’y makasama sa recently-concluded Pinoy Big Brother (PBB): 747 at ngayon ay guest co-host siya ng daily noontime show na It’s Showtime. Si Robin naman ay muling mapapanood sa isang weekly TV sitcom sa taong 2016 pero hindi pa niya alam kung makakasama niya ang kanyang misis at iba ang kanyang makakatrabaho.

Looking forward si Ro­bin na makatrabaho ang ibang Ka­pamilya female stars tulad nina Angel Locsin, Anne Cur­tis, at Bea Alonzo.

Umaasa rin si Robin na ma­kasama ang pamangking si Daniel Padilla sa isang ser­ye dahil magkakasama na sila sa bakuran ng ABS-CBN.

Dahil sa matinding pinag­da­anan ng mag-asawa, aminado si Robin na doon niya na­patunayan sa kanyang misis kung gaano niya kamahal ito at hindi niya ito pinabayaan laluna nung panahong depressed na depressed si Ma­riel dahil sa magkasunod ng pagkawala ng kanilang magiging unang supling sana.

Gerald malas sa babae

Tila walang suwerte ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa babae o baka naman hindi pa lamang niya talaga natatagpuan ang kanyang “Miss Right” matapos magwakas ang more than two years nilang relasyon ni Maja Salvador?

Si Kim Chiu ang first showbiz girlfriend ni Ge­rald na nauwi rin sa break-up. Sandali ring naka-relasyon ni Gerald si Bea Alonzo at sandali ring na-link ang actor sa pop star na si Sarah Geronimo hanggang sa naging sila ni Maja Salvador.

Mag-best friends dati sina Kim Chiu at Maja Salvador at ito’y nagkaroon ng lamat nang ma­ging magkarelasyon sina Gerald at Maja. Although pumasok si Gerald sa buhay ni Maja nung wala na sila ni Kim.

Loveless pa rin hanggang ngayon si Maja at ganundin si Gerald habang si Sarah naman ay masaya sa piling ng nobyo dati ni Maja na si Matteo Guidicelli. Si Kim naman na may Xian Lim na hanggang ngayon ay ayaw pa rin umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Naniniwala si Gerald na darating din sa buhay niya ang panibagong babaeng kanyang iibigin pero ayaw niya umanong madaliin ang lahat.

Samantala, sa Amerika mag-i-spend ng Christmas holidays si Gerald kasama ang kanyang pa­milya at matagal umano nila itong plinano ng kanyang pamilya.

ACIRC

ANG

BE CAREFUL

BEA ALONZO

GERALD

JANELLA

MAJA

MAJA SALVADOR

MARLO

NIYA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with