Puro sana ang sagot Matteo hindi sigurado kung si Sarah na ang last girlfriend!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2015 - 9:00am

PIK: Buong taon ng 2015 ay ang pagbenta ng GMA 7 ang isa sa pinag-uusapan pero hindi naman natutuluy-tuloy ito.

Itong huling kuwentong benta­han kina Manny Pacquiao at da­ting Ilocos Gov. Chavit Singson ay pina­bulaanan din ng Kapuso network. Na-reject daw ito.

Sabi naman ni GMA Chairman at CEO Atty. Felipe Gozon, maganda ang kita ng GMA 7 at inaasahan daw nilang bago matapos ang 2015 ay mahigit 100 percent ang kikitain nito.

Sabi ni Atty. Gozon nung naka­raang pa-Christmas party sa movie press; “We are also expecting better revenues from political ads versus 2010, considering that rates are higher this year and considering also our current lead in NUTAM ratings.

“We have exceeded all our targets as of December 9, 2015.”

PAK: Kahapon ginanap ang premiere night ng Nilalang nina Cesar Montano at Maria Ozawa. Ito ang unang nagpa-premiere sa lahat na mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ginanap ito sa Cinema 7 ng SM Megamall na dinagsa ng mga kalalakihan.

Hindi pa rin talaga nawawala ang lakas ni Maria sa mga kalalakihan na kahit saan ito magpunta para mag-promote ay pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan.

Nang mag-tape ito ng promo niya sa CelebriTV nung nakaraang linggo, pi­nu­­no ng mga kalalakihan ang studio. Ta­kang-taka si Manay Lolit Solis kung ano ang nagustuhan nila kay Ozawa gayung may kagaspangan naman daw ang mukha nito. Pero kinikilig pa rin ang boys kapag nilalandi sila ni Maria Ozawa. Kaya panlalaking audience talaga itong Nilalang.

BOOM: Wish talaga ni Matteo Guidicelli na makapagpakasal na siya bago mag-30 years old.

“‘Yun ang plano ko dati pa nung bata pa ako,” pakli ng young Kapamilya actor nang makatsikahan namin sa isang Christmas event sa Ragay, Camarines Sur kahapon.

Twenty five years old na siya at matagal na niyang plano na maagang magkaroon ng pamilya.

“I always wanted to have a family at the young age to enjoy my time with my family and my kids kumbaga,” sabi nito.

Sana nga raw si Sarah Geronimo na ito dahil kung siya ang masusunod, ang Pop Princess na raw sana ang last girlfriend niya.

“Sana. Tingnan natin. Siya na sana ang last ko,” napapangiti niyang pahayag.

Twenty-seven years old naman si Sarah kaya binibiro namin kung bago ba mag-30 ay gusto na rin niyang pakasalan? Napapangiti na lang si Matteo at sinagot kami ng “Sana.”

ACIRC ANG CAMARINES SUR CESAR MONTANO CHAVIT SINGSON FELIPE GOZON ILOCOS GOV MARIA OZAWA SANA SHY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with