_ngayon
^

Coco mamimigay ng house and lot!

(Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – May magandang balita ang pinakabagong ABS-CBN TVplus ambassador at FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin dahil handog ng ABS-CBN TVplus ang isang enggrandeng raffle promo kung saan maaaring manalo ng grand prize na Camella House and Lot at magwagi linggo-linggo ng higit 100 Cloudfone smartphones.

Maaaring sumali sa promo ang lahat ng ABS-CBN TVplus users na bumili ng specially marked ABS-CBN TVplus boxes na nagkakahalaga ng P1,999 mula Setyembre 21 nitong taon, kasama na rito ang Surf, Knorr, Milo at Ang Pro­binsyano box. Para mag-register sa promo, gamitin lang ang ABS-CBNmobile SIM na kasama ng mahiwagang black box at i-text ang “JOIN<space>NAME, ADDRESS” sa 2131.

May perfect na pangregalo ka na nga ngayong Pasko, may premyo ka pa! Kaya bumili na ng ABS-CBN TVplus sa accredited sales agents, retail outlets, at dealers. Maaaring mag-text sa 23661.

Ang ABS-CBN TVplus o ‘mahiwagang black box,’ ay isang digital box na nakakasagap at ibinobrodkast ang lahat ng available na digital signals sa TV. Dahil dito, mas maraming pamilyang Pilipino ang nakakapanood ng kanilang paboritong TV shows ng mas malinaw at klaro.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa official website of ABS-CBN TVplus (www.abs-cbntvplus.com) at ang official TVplus Facebook page (www.facebook.com/ABSCBNTVPlus).

Carla alaga sa Vitamin E ang katawan

Kapag pinag-usapan ang skincare routine, ang diskusyon ay maaring mapunta mula sa simple hanggang sa komplikado. Sa panahon ngayon, napaka­ra­mi ng mga produkto ang naglalabasan sa merkado kaya ang simpleng paghihilamos ng iyong mukha matapos ang mahabang araw ay mistulang hindi na sapat. Bukod pa rito, kung ang lifestyle mo ay kadalasang umiikot sa hectic na schedule, sunud-sunod na meetings, pagpupuyat sa social media at barkada night outs, paano ka maglalaan ng oras para sa intensive skincare routine? Go back to the basics. Piliin ang healthy lifestyle at pabagalin ang epekto ng natural aging process sa tulong ng Vita-E, na nagpo-promote ng glowing skin 24/7.

Ang Vita-E ay may 400 IU ng Vita E, isang antioxidant na epektibong nilalabanan ang free radicals na sumisira sa cells at nagreresulta sa fresh at youthful looking skin. Ang Vita-E ay umeepekto from the inside kaya naman hindi ka lang looking great dahil mararamdaman mo rin na healthy ka inside. Nakakatulong din ito para ma-maintain ang healthy functions ng puso, blood vessels at nervous system, ang Vita-E ay nagpapatibay din ng immune system ng tao. Ang Vita-E ay iniinom ng isang capsule kada araw. Mabibili ang Vita-E sa halagang P14.00 SRP per soft gel capsule, available at Mercury Drug and all other leading drugstores nationwide.

At ito ang sekreto ng Kapuso actress na si Carla Abellana kaya naman lagi siyang glowing at effortless ang ganda.

Yaya Dub wala nang ililihim kay Jessica

Tiyak na ikatutuwa na naman ng AlDub Nation ang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, Disyembre 13. Dumating na nga ang “tamang panahon” para sa pinakahihintay na interview ng Philippines Most Awarded Broadcast Journalist na si Ms. Jessica Soho sa hottest love­team ng bansa ngayon—ang AlDub na binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Matatandaang sa KMJS din unang nakapana­yam si Maine noong Hulyo matapos siyang ipakilala ng Eat Bulaga bilang si Yaya Dub. Makalipas nga lang ng ilang araw matapos ng kanyang interview, aksidente nang nabuo ang AlDub.  Kahit araw-araw siyang napapanuod sa Eat Bulaga, naging mailap sa media si Yaya Dub.

Sa isang natatanging sit down interview, ikukuwento ni Maine ang kanyang pagkabata, ang pa­milya na kanyang pinanggalingan, maging kung paanong ang isang dalaga na punung-puno ng insecurities ay nakapag-perform sa Philippine Arena. Ipakikita rin ni Yaya Dub ang iba’t ibang facial expressions na kaya niyang gawin. Aabot lang naman ng 252 ang mga ito.

Samantala, ibabahagi naman ng Pambansang Bae ang sarili niyang opinyon kung bakit pumatok ang kanilang tambalan ni Maine at kung anong masasabi niya sa tinatamasa nila ngayong tagumpay.  Makakapanayam din ang ilang AlDub fans. Alamin kung bakit sapul na sapul ang mga ito ng karisma ng magka-loveteam.

At dahil ilang tulog na nga lang ay Pasko na, tampok din sa KMJS ang iba’t ibang Christmas recipes. Muli ring babalikan ng programa ang mga mang-aawit  sa likod ng ilan sa mga sikat na Christmas songs tulad nina Jose Mari Chan, Mabuhay Singers at Sex Bomb Dancers.

Papasyalan din ng KMJS ang ilan sa pinakasikat na theme park sa loob at labas ng bansa at ang Cainta Christmas House na talaga namang kumukuti-kutitap sa kanilang Christmas light show.

Samahan si 2015 PMPC Star Awards Best Female Newscaster Jessica Soho ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

ABS ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ANG VITA-E EAT BULAGA JESSICA SOHO KAPUSO MO TVPLUS VITA-E YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with