Albert hino-hoy lang ni Yen Santos
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2015 - 9:00am

Grabe ang schedule ni Albert Martinez dahil sa dalawang soap sa ABS-CBN na kanyang ginagawa.

Six days a week siya nagte-taping at alternate ang taping niya para sa All Of Me at Ang Probinsyano.

Four hours na lang ang tulog ni Albert at madalas, sa bihaye na lang siya nagpa-power nap.

Walang reklamo ang aktor sa kanyang schedule na hanggang March 2016 pa hectic dahil extended up to March ang All Of Me. Extended naman hanggang July 2016 ang Ang Probinsyano .

May pinaplanong pelikula nila ni Yen Santos si Albert after ng All Of Me, dedicated niya sa viewers ng soap na nagpapa-tren­ding at nagpapataas ng rating. Namimili na siya ng script at director na hahawak sa pelikula.

Ang rawness ni Yen at ang awkwardness niya ang nakikitang sikreto ni Albert kung bakit klik ang All Of Me at ang tambalan nilang dalawa. “Probinsyana” ang description ng aktor sa kapareha, hindi “kuya” o “tito” ang tawag nito sa kanya, kundi “hoy” which he finds cute at hindi siya na-o-offend.

Ikatutuwa ni JM de Guzman ang sinabi ni Albert na kung gugustuhin ng ABS-CBN na ibalik si JM sa All Of Me, very much willing siyang ibigay uli ito kay JM.

Nabanggit din ni Albert na sa rami ng version ng All Of Me, ang version ni JM ang pinakamaganda para sa kanya.

Samantala, sinagot ni Albert ang isyu kay Amalia Fuentes. Naka-confine pa rin ito sa ospital at hindi pa niya nadadalaw. Sa right time siya dadalaw, kung kalmado na ang lahat dahil ayaw niyang makadag­dag pa sa stress ni Amalia.

Ang anak na si Alfonso ang caregiver ng bahay ni Amalia sa New Manila, pinagawan nito ng kuwarto na parang ospital ang lola niya na matatapos sa January 2016. Saka lang iuuwi si Amalia from the hospital ‘pag ready na ang room nito sa bahay niya.

Francis Tolentino tinalo noon si Binay

Hindi kami sinagot ng deretso ni former MMDA Chairman Francis Tolentino kung sino ang president niya dahil matagal pa raw ang election.

Ang sinabi lang nito, ini-endorse siya ni Rodrigo Duterte. Pero hindi ang running mate ni Duterte ang sinabi nitong malakas sa mga botante, ibang pangalan.

Hindi rin kami sinagot ni Tolentino sa nabalitaan na tinalo niya si VP Jojo Binay nang tumakbo silang president ng League of City Ma­yors of the Philippines. Noon lang nakatikim ng pagkatalo si Binay at kay Tolentino ‘yun, noong mayor pa ito ng Tagaytay City.

Pang-presidentiable ang credentials ni Tolentino, kaya inalam namin kung may balak siyang tumakbong president ng bansa? “Tapusin muna natin ang 2016 elections, hanggang senado muna tayo,” sagot nito.

Nag-iikot ng bansa si Tolentino at bago humarap sa entertainment press, galing siya ng Nueva Ecija.

Very warm ang reception sa kanya kahit saan siya magpunta at sinasalubong siya ng yakap at halik.

Hindi na sinagot ni Tolentino ang pagkaligwak niya sa party ni Mar Roxas, kinalimutan na niya ang nangyari at positive na lang siya.

Rufa Mae nag-desisyong magbago ng imahe

Nakita namin ang bagong pictorial ni Rufa Mae Quinto, part ng gagawing reinvention ng image niya.

Magaganda ang mga litrato, kakaiba ang concept na tingin naman namin, magugustuhan ng tao.

Bawal pa lang isulat kung ano ang peg ng pictorial dahil hindi pa lumalabas ang pictures niya.

Anyway, isa si Rufa Mae sa mga artistang endorser ni Mar Roxas at isa sa mga naba-bash.

Gaya ni Carla Abellana, naiintindihan nito kung may mga hindi pumabor sa kanyang desisyon, pero tama rin ang sinabi nitong, hindi sila namimilit na iboto si Mar.

Direk Jun Lana wagi na namang best director sa India

Congratulations kay Direk Jun Lana for winning best director at the 20th International Film Festival of Kerala in India for the movie Anino sa Likod ng Buwan (Shadow Behind The Moon).

Second best director award niya na ito dahil nanalo rin siya sa 13th Pacific Meredian Film Festival sa Vladivostok, Russia.

Kaya wala si Direk Jun sa presscon ng Haunted Mansion na MMFF entry ng Regal Films dahil dumalo siya sa IFFK at worth it ang pagdalo niya dahil siya ang nanalo.

Marami pang pupuntahang international film festival ang Anino sa Likod ng Buwan nina LJ Reyes, Anthony Falcon at Luis Alandy na para sa amin, pinakamagandang pelikulang nagawa ni Direk Jun.

ACIRC ALL OF ME AMALIA ANG ANG PROBINSYANO DIREK JUN HINDI NBSP NIYA SIYA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with