^

Maine masusubukan kung natural ang akting

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2015 - 9:00am

Obvious ba na may nalalaman sa pag-arte si Maine Mendoza? Aba, eh walang workshop, pero isinalang agad sa My Bebe Love #KiligPaMore na isang full length movie at full length din ang role niya. 

Sabi nga ni Vic Sotto, “She’s a natural!” May tutol pa ba kayo?

Panoorin ang movie para mapatunayan ito.

Daniel at Phillip magbabakbakan sa Bulacan

Magkakalaban pala ang dalawang mati­nik na aktor sa pelikula na sina Da­niel Fer­nan­do at Phillip Salvador para sa pagka-bise go­bernador ng Bulacan. Sige lang, basta walang away-away at pagkatapos ng eleks­yon ay  friends pa rin  kayo. Huwag n’yong ha­yaan ang pulitika na pag­hiwalayin kayo!

Vic at Pauleen ayaw makadagdag sa trapik

Nag-shopping pala sa Hong Kong ang mga ikakasal na sina Vic Sotto at Pauleen Luna.  Mabuti pa nga dahil kung dito nila gagawin ang pamimili, aba eh magiging cause pa sila ng traffic na hindi ko na­man alam kung bakit pa-grabe nang pa-grabe.

Glaiza nadala nang maayos ang sexy outfit

Nagpaka-sexy nga ba si Glaiza de Castro sa get up niya sa katatapos na Christmas party for the press ng GMA? Ako I did not find anything wrong with her dress, nilagyan pa nga niya ng outer coat ito.  

Uso na ngayon ang shorts at strapless top sa anumang okasyon. Basta madadala lang ng maayos at nagawa naman niya, ‘di ba?

ACIRC AKO I ANG BULACAN GLAIZA MAINE MENDOZA MY BEBE LOVE NBSP SHY STRONG VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with