Kris hindi na-miss kahit absent sa Christmas Special ng Kapamilya
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2015 - 9:00am

Wala rin pala si Kris Aquino sa taped as live na Thank You For the Love Christmas Special ng ABS-CBN, pero bakit para naman walang naka-miss sa kanya? Sina Anne Curtis at Sarah Geronimo ay pansin ang absence, pero si Kris ay hindi. O baka alam ng lahat na tinatapos nito ang shoot ng All You Need Is Pag-ibig at ito ang pinagkaabalahan niya at hindi ang paggawa ng Christmas Special.

Wala rin naman sa show ang special someone ni Angel na si Luis Manzano, na ang Ala Eh Festival ng nanay niyang si Gov. Vilma Santos ay ‘di rin nasipot.

Isa pang kapatid ni Aljur umaarte na rin

Mukhang dumarami ang mga kapatid ni Aljur Abrenica na pumapasok sa pag-aartista. Dati ay si Vin Abrenica lamang na nanalo sa isang star search na itinaguyod ng TV5, pero ngayon ay nag-aartista na rin si Allen Abrenica na kasama sa cast ng Hermano Puli na pormal nang sinimulan ni direktor Gil Portez.

Nasa pangunahing role si Aljur bilang Hermano Puli, isang charismatic leader na ang namatay dahil sa kagustuhang magkaroon ng kalayaan sa pananampalataya ay nauwi sa isang rebolusyon na 30 taon na nauna sa kamatayan ng tatlong paring sina Gomez, Burgos, at Zamora.

Vic kabado sa Bebe…

Inamin ni Vic Sotto na mas mataas ang pressure sa kanila ni AiAi delas Alas dahil sila ang tampok sa My Bebe Love #KiligPaMore.

Samantala, sa wakas ay napagsama rin sa presscon sina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza. Kung dati ay bawal silang magsama sa isang event other than Eat Bulaga, sa Pabebe Love  #Kilig Pa More, ‘di maaring wala sila dahil dalawa sa pro­dyuser ng pelikula ay taga-EB, sina Vic Sotto at Antonio Tuviera. Sa rami ng cast ng pelikula ay ang AlDub lang ang pinadalo sa presscon para samahan sina Vic at AiAi. Oo nga pala, andun din si Valeen Montenegro. Kasama rin sa cast ng movie sina Joey de Leon, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon na idinidirek ni Jose Javier Reyes.

Kung si Alden ay sanay na sa mga kamera, si Maine ay kinabahan pa at ninerbyos nang unang humarap, pero sabi ni Bossing “She’s a natural. Nung una lang siya hindi makausap, nang magtagal na ay nawala na ang pamumutla niya,” kuwento ni Vic.

ACIRC ALA EH FESTIVAL ALDEN RICHARDS ALIGN ALJUR ALJUR ABRENICA ANG HERMANO PULI QUOT STRONG VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with