Juday at Ryan planong mag-migrate sa ibang bansa?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2015 - 9:00am

Si Judy Ann Santos ang next celebrity na manganganak at inaabangan na rin ng fans nila ni Ryan Agoncillo ang paglabas ni Baby Luna. Ang sabi, sa second week ng January 2016 ang due date ni Judy Ann, pero any day between December 27 to second week of January ay puwede na siyang manganak.

Nasilip namin sa Instagram (IG) ni Judy Ann ang paghahanda niya sa nalalapit na panganganak. May picture ng mga dadalhin niyang gamit sa ospital at may caption na, “Tips for mom’s about to give birth..Prepare your things even before the baby’s arrival (baka mapaaga pagdating mabuti ng handa.) Change of clothes, nursing bra, baby’s clothes, cotton balls, baby wipes, toiletries, maternity pads,books or anything that can keep you company while at the hosp.:) , newborn diapers, alcohol.. (bring the things na pwedeng iprovide ng hosp. Para bawas sa bayarin. Hehe) socks, (may pang new year at pasko ako para masaya!) at ang pinaka importante sa lahat? Your HUSBAND! To hold you, to take videos and photos, to take care of you ...And to pay for your hospital bills. Hehehe!”

May pinost din si Judy Ann na picture ni Ryan na nagkakarpintero sa isang bahay sa Las Vegas. Sa IG ni Ryan, marami siyang pictures na nag-aayos ng bahay at ginamitan niya ng caption na “casa preparacion para mi familia #vivalasvegas.”

Tanong ng fans, ibig ba raw sabihin nito, may planong mag-migrate sina Ryan at Judy Ann and their family sa Las Vegas? Pero nakabalik na si Ryan na pumunta lang sa Las Vegas para sa reality show nitong Cash Cab sa AXN.

Iya tameme pa sa kapalpakan sa kasal ni Nikki

Isa sa nagpapasaya sa Because Of You sina Iya Villania at Vaness del Moral na gumaganap na BFF ni Carla Abellana. Mukhang pati in real life, close na ang tatlo. Pareho ng manager sina Carla at Iya, kaya mabilis silang naging close, but with Vaness, ngayon lang sila nagkatrabaho.

Nag-i-enjoy si Iya sa Because Of You dahil rom-com ang treatment nito at hindi mabigat sa dibdib ‘pag pinanood.

Samantala, hindi pa nai-interview si Iya sa sinasabing “palpak” na ginawa sa wedding ng friend niyang si Nikki Gil, kung saan sa halip na pangalan ng groom nito ang banggitin, ang pangalan ni Billy Crawford na ex ni Nikki raw ang twice na binanggit nito.

Direk Dan sinalo ang OTWOL nang ma-busy ang GF

Parehong pasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang mga pelikula ng magdyowang directors na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone. Si Dan ang director ng Quantum Films entry na Walang Forever at si Tonette naman ang director ng Star Cinema entry na All You Need Is Pag-ibig.

Pero sabi ni direk Dan, hindi kompetensya ang turing niya sa movie ng GF niya at nagsusuportahan silang dalawa. Nabanggit ni direk Dan na nang maging busy ang GF sa shooting, siya muna ang pumalit magdirek ng On The Wings of Love. Ito ‘yung eksenang pumasok si Paulo Avelino as Nadine Lustre’s boss.

Sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay uli ang makakatrabaho ni direk Dan sa next movie ng Quantum Films na My Candidate na target ipalabas before the 2016 elections. Dream din nitong maidirek sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pati sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo as love team or as solo.

Derrick nakipagpapakan kay Elizabeth Oropesa

Ready na nga sa more mature and daring roles si Derrick Monasterio. Noong isang araw, nag-taping ito ng isang episode ng Karelasyon opposite Beth Oropesa. May December love affair ang tema ng episode at tila napasubo sa halikan si Derrick.

‘Katuwa ang first meeting nina Beth at Derrick dahil ipinaalala ng aktres na kaibigan niya ang mother ni Derrick na si Tina Monasterio. Ang ganda ng sinabi ni Beth kay Derrick after ng taping, alam daw nito ang kanyang craft at nasorpresa siya kay Derrick dahil magaling itong umarte.

Anyway, as promised by GMA 7, mapapanood na sa isang teleserye si Derrick next year at makakapareha nito si Bea Binene. Si Laurice Guillen ang direktor nito.

ACIRC ALL YOU NEED IS PAG ANG BECAUSE OF YOU DERRICK IYA JUDY ANN LAS VEGAS NBSP QUANTUM FILMS RYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with