Elmo namamahay pa sa Kapamilya nagmukha raw matanda; Bagong hairdo ni Jodi nilalait-lait
(Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2015 - 9:00am

SEEN: Ang hiling ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa kanyang magiging successor na ipagpatuloy ang Ala Eh Festival, kahit wala na siya sa puwesto.

SCENE: Hindi pa gaanong “at home” si Elmo Magalona bilang Kapamilya star at napuna ito sa taping ng Christmas Special ng ABS-CBN sa Araneta Coliseum noong Martes.

SEEN: Spotted si Niño Muhlach na namimili sa isang thrift store sa Cubao noong Martes. Kasama ni Niño ang kanyang panganay na anak.

SCENE: Ang presscon kahapon ng Gawa at Prinsipyo Coalition na pinangunahan ng character actor na si Rez Cortez at ginanap sa isang lugar na malapit sa COMELEC office. Nagpatawag ng presscon ang grupo ni Cortez bilang suporta kay Senator Grace Poe na disqualified ng COMELEC sa presidential race.

SEEN: Ipinakikilala sa Walang Forever si Juan Miguel Severo, ang spoken word artist na nagpakita ng sample ng pagiging makata sa presscon ng filmfest movie nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales.

SCENE: May mga gusto at merong ayaw sa short hairdo ni Jodi Sta. Maria dahil may mga nagsasabi na nagmukha siyang bata ngunit may mga opinyon na nag-mature ang hitsura niya.

SEEN: Anim na araw na nag-shooting sa Coron, Palawan ang lead cast ng All You Need Is Pag-ibig. Idea ng direktor na si Antoinette Jadaone na kunan sa Coron ang mga eksena ng kanyang filmfest entry.

ALA EH FESTIVAL ALL YOU NEED IS PAG ANG ANTOINETTE JADAONE ARANETA COLISEUM ATILDE BATANGAS GOVERNOR CHRISTMAS SPECIAL CORON NBSP STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with