Dahil sa internet aktres hindi maiwasan ang ginawa nila noon ng aktor!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2015 - 9:00am

Dedma ang aktor at ang aktres nang magkita sila kamakailan sa isang showbiz event. Kasama ng aktres ang kanyang asawa na may koneksyon din sa showbiz at punong-abala naman sa pag-aasikaso sa mga bisita ang aktor.

May nakaraan ang aktor at aktres na gusto na nitong makalimutan, ang naglalagablab na love scene nila sa isang pelikula na kanilang pinagtambalan.

Parang soft porn ang love scene na ikahihiya ng aktres na mapanood ng kanyang anak. Big scandal noon ang isyu dahil pumalag at nag-ingay ang aktres. Lumang-luma na ang pelikula pero wala nang magagawa ang aktres dahil napapanood sa Internet ang love scene na isinusumpa, pinagsisisihan niya at sagabal sa kanyang ipinipilit na respected image.

LT 14 years nang ipinagkakatiwala ang ganda sa Flawless

Happy 14th Anniversary sa Flawless, ang number one and affordable beauty and skin clinic sa bansa.

Ipinagdiwang ng Flawless noong December 8 ang 14th anniversary sa Megamall branch at special guest si Lorna Tolentino.

Hindi ko pa nakakalimutan na present ako sa grand opening ng kauna-unahang branch ng Flawless. Sino ang mag-aakala na 14 years old na ang beauty and skin clinic na pinagkakatiwalaan nina LT, Jodi Sta. Maria, Judy Ann Santos, Mark Herras, Richard Gutierrez etc.

Mabilis na dumami ang branches ng Flawless dahil sa mahusay na pamamahala ni Rubby Sy. Si Mama Rubby ang nasa likod ng success ng Flawless na pinipilit na gayahin ng ibang mga skin clinic pero hindi nila mahigitan at mapantayan.

Todo-promote kaya maraming dumadayo Heart Miss Tourism ang drama sa probinsya ni Sen. Chiz

In love na in love si Heart Evangelista sa natural beauty ng Sorsogon, ang probinsya ng love of her life, si Senator Chiz Escudero.

Kapag pumupunta si Papa Chiz sa Sorsogon, sumasama si Heart dahil gustung-gusto niya ang bayan ng kanyang asawa.

Ang Bulusan Lake ang favorite place ni Heart sa Sorsogon kaya doon idinaos ang pre-nup pictorial nila ni Papa Chiz.

Dahil sa good words ni Heart tungkol sa lalawigan ni Papa Chiz, dinarayo ng mga turista ang Sorsogon. Kumbaga sa isang beauty queen, Miss Tourism si Heart dahil super promote siya tungkol sa mga tourist attraction sa bayan ng asawa niya.

Open na rin ang 400-square meters na Surfer’s Pavilion sa Brgy. Buenavista, Gubat na inaasahan na pupuntahan ng foreign at local surfers na mahilig sa adventure.

Malaking bagay na 100 percent energized na ang probinsya na nagkaroon ng katuparan nang maging congressman si Papa Chiz ng Sorsogon.

Francis Tolentino hindi madamot sa nangangailangan, tulong kay Alyssa ‘di malimutan

Kung may senatoriable ako na gusto ko na tulungan, ito ay si former MMDA Chairman Francis Tolentino.

Hindi ko malilimutan ang pagtulong ni Papa Francis kay Alyssa Alano nang maaksidente ito sa Marcos Highway noong October 2012.

Bumangga ang sasakyan na minamaneho ni Alyssa sa metal fence barrier ng MMDA na tumusok sa tagiliran ng kanyang katawan.

Isa si Papa Francis sa mga nagpaabot ng tulong sa dating co-host ng Startalk. Alam ko ang assistance na ipinagkaloob ni Papa Francis kay Alyssa dahil nagkausap kami sa telepono at personal ko siya na pinasalamatan.

Kung hihingin ni Papa Francis ang suporta ko, bukal sa puso ko na tulungan siya.

I’m sure, willing din si Alyssa na tulungan sa kampanya si Papa Francis. Ang tanong, nasaan na nga ba si Alyssa? Wala na akong balita tungkol sa kanya mula nang mag-babu siya sa Startalk.

ALYSSA ALYSSA ALANO ANG ANG BULUSAN LAKE CHIZ ESCUDERO FRANCIS TOLENTINO NBSP PAPA PAPA CHIZ PAPA FRANCIS SORSOGON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with