Todo selos kay Solenn, Derek ginuwardyahan ng girlfriend sa shooting
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Matuwa kaya si Kris Aquino pag nalaman niyang hindi raw boto ang nanay ni Derek Ramsay sa current girlfriend nitong si JV?

Up to now daw, ayon sa source, mas gusto ng mommy ng actor para sa anak (Derek) ang ex-girlfriend nitong si Solenn Heussaff na incidentally ay leading lady ng actor sa first Regal movie niya na Love is Blind. Eh kaso, engaged na si Solenn sa Argentine boyfriend na si Nico Bolzicco kaya baka puwede na si Kris?

So, ano kaya ang masasabi ni Kris dahil there was a time na nabalitang parang umaasa si Kris na puwedeng maging sila ng actor eh magkasama pa sila ngayon sa pelikulang All You Need is Pag-ibig, isa sa pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2015, na mas pinili ni Kris na kapalit ni Mayor Herbert Bautista.

Kaya lang gwardyado raw si Derek ng GF. In fact  sa first shooting day daw ng Love is Blind, aba nakabantay  si JV. First time nga namang magsasama uli ang dating magkarelasyong sina Derek at Solenn eh hindi pa natatagalan nang sabihin ni Derek sa Gandang Gabi Vice na he broke his own heart nang mag-break sila ni Solenn.

“Kasi it wasn’t just the right time and I made decisions na parang... I guess I won’t say the wrong decisions, pero decisions that broke my heart.

“Parang nakipag-break ako, and in the process I broke my heart.

“I mean, mahal na mahal ko siya noon, pero sometimes that’s not enough. Parang mayroon nangyayari sa relatonship na, I guess sobra kayong nagmamahalan na sometimes you bring out the worst out of each other. So for me too much turmoil, I need to get out, kahit alam ko na mahal na mahal ko siya,” sabi sa interview ni Derek last September.

Pero after daw ng buong araw na pagbababad ng GF ng actor, hindi na raw uli ito nakita sa shooting nila ni Solenn.

Eh ang boyfriend kaya ni Solenn nagbabantay din? “Hindi, never naman ‘yung nagpakita sa shooting,” pakli ng source.

Oh oh possible kayang magkabalikan sila? Eh hindi pa raw tapos ang shooting ng Love is Blind kaya maraming araw pang magsasama ang mag-ex.

Or baka naman sina Derek at Kris ang meant to be.

Uy amoy balikan?! Piolo at KC todo bulungan at beso

Awww ang sweet nina Piolo Pascual at KC Concepcion nang magsama sila sa taping ng 2015 ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum the other night.

Biglang lumabas si KC sa stage habang si Piolo ay nasa production number kasama ang iba pang ABS-CBN actors.

Nag-beso ang dalawa dahil sinabi naman ni Piolo na alam niyang may spiels sila pero wala silang rehearsal.

Pero ayon kay Piolo, hindi naman daw siya na-awkward pero ayaw i-share ng actor kung anong napag-usapan nila.

“Sa amin na lang ‘yun. We learn from the past,” sabi niya.

Janella ‘di na dinibdib ang panghihiya ng host

Ang ganda ng trailer ng entry ng Regal Films sa MMFF na Haunted Mansion. Actually parang mas maganda pa nga ito kesa sa mga Shake Rattle and Roll na naging tradisyon na sa MMFF noong mga nakaraang taon.

Sa trailer pa lang nakakakilabot na. Eh walang ibang horror sa MMFF.

Actually jackpot ang Kapamilya stars na sina Janella Salvador, Marlo Mortel, and Jerome Ponce dahil pinagkatiwalaan sila ng mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde na magbida sa Haunted Mansion.

Kinakitaan kasi ng mag-ina ng pontensiyal sa acting and box office power ang tatlo kaya naman agad-agad silang binigyan ng launching movie.

Speaking of Janella, hindi na nito dinibdib ang ginawa ng isang host nang malimutan ang pangalan niya sa isang party para sa kanyang endorsement.

Aminado si Janella na nabastos talaga siya. “It was a Christmas party para sa isang endorsement ko, hindi ko na lang papangalanan. Hindi ko lang in-expect na ganu’n ang mangyayari. Kasi it was for my endorsement, ‘di ba? So, nakakabastos lang. Na-off lang ako...alam mo ‘yung feeling na ganu’n na parang napahiya ka sa sarili mong event,” pahayag niya kahapon sa presscon/Christmas party ng Regal for the press.

Ang kanyang mommy na si Janine Desiderio ang naglabas ng inis sa nangyari sa kanyang anak kamakailan.                          

ACIRC ALL YOU NEED ANG ARANETA COLISEUM CHRISTMAS SPECIAL DEREK HAUNTED MANSION HINDI NBSP PIOLO SOLENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with