^

PSN Showbiz

Wish I May, magsisimula na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasado na nga ang drama series na Wish I May ngayong Enero sa GMA Afternoon Prime. Pangu­ngu­nahan ito ng isa sa mga hottest loveteams ng Kapuso Network na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Makakasama rin nila sa serye sina Camille Prats, Neil Ryan Sese, Rochelle Pangilinan, at Mark Anthony Fernandez.

Maria Letizia, kasama sa dokyumentaryong 2 Degrees

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng special TV appearance ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia sa dokyumentaryong 2 Degrees Panahon Na! na pinangunahan ng Kapuso Primetime King at ni Jiggy Manicad.

Dahil unang tatamaan ang mga bata sa lalong tumitinding climate change, pinakita rito ang paghahanap ng paraan para matulungan at maturuan ang lahat na labanan ang epekto ng climate change.

Final 4 ng Starstruck, makikilala na

Lalo na ngang umiinit ang labanan ng mga hopefuls sa Starstruck. At ngayong malapit nang pagdesisyunan kung sino ang bubuo sa Final 4, kanya-kanyang pagpapakitang gilas na sina Arra San Agustin, Ayra Mariano, Elyson De Dios, Jay Arcilla, Klea Pineda, at Migo Adecer.

Lalo namang nahihirapan ang mga judge sa paghatol dahil iba-iba ang forte ng bawat hopeful na natitira sa kompetisyon.

Lovi Poe, enjoy sa bakasyon kasama ang ina

Matapos ng napaka-busy na schedule dahil sa Beautiful Strangers, nagawa ring makapag-bonding ni Lovi Poe sa kanyang ina sa pamamagitan ng pagpunta sa Europe.

Ayon kay Lovi, parte raw ito ng kanyang birthday gift sa ina at masayang-masaya siya dahil enjoy na enjoy nila ang kanilang quality time together.

ACIRC

AFTERNOON PRIME

ANG

ARRA SAN AGUSTIN

AYRA MARIANO

BEAUTIFUL STRANGERS

BIANCA UMALI

CAMILLE PRATS

DEGREES PANAHON NA

LOVI POE

MARIA LETIZIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with