^

Kasambahay ginahasa ng Hapong amo!

(Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Paano nga ba mapapatawad ng isang anak ang isang ina na dahilan ng kanyang matinding paghihirap sa kamay ng isang Hapon?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang nakakadurog-pusong kuwento ng isang kasambahay na ginahasa ng kanyang among Hapon at ikinulong sa isang kuwarto sa loob ng limang araw.

Itinatampok si Kim Rodriguez sa kanyang natatanging pagganap bilang Nida sa episode na pinama­ga­tang Bihag na Kasambahay.

Kasama rin sina TJ Trinidad, Aira Bermudez, Cai Cortez, Coleen Perez at Ms. Nova Villa.

Kilalanin si Nida na sa murang edad ay namasukan bilang kasambahay para itaguyod ang kanyang mga kapatid matapos mamatay ang kanyang ama at iwan sila ng kanyang sariling ina. Sa edad na 16, namasukan si Nida sa bahay ng isang Hapon na mayroong asawang Filipina. Ngunit ang trabahong akala ni Nida ay magtatawid sa kanila sa gutom ay magiging dahilan pala ng matindi niyang paghihirap na susugat sa kaniyang pagkatao.

Magawa pa kayang kalimutan ni Nida ang mapait na karanasang ito kasabay ng kanyang pagpapawatad sa kanyang ina na naging dahilan para siya mabihag at mamolestiya ng isang Hapon?

Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni L.A. Madridejos, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Ma­naloto sa GMA7.

ACIRC AIRA BERMUDEZ ANG CAI CORTEZ COLEEN PEREZ HAPON ISANG KANYANG KIM RODRIGUEZ MAGPAKAILANMAN NIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with