Korina nagbenta ng relos para makabili ng mga ‘paa’
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2015 - 9:00am

May kuwento si Korina Sanchez-Roxas na ibinenta niya ng P1.5-M ang isang expensive watch, pero ayaw niyang ipasulat ang brand. Regalo raw sa kanya ang watch at baka mabasa ng nagregalo at magtampo sa kanya. Pero hindi niya ito ibinenta para sa kampanya ng asawang si Mar Roxas na tumatakbong president, kundi para makatulong sa nangangailangan.

Ang nakuha niyang pera ay ibi­­nili niya ng artificial legs sa 50 selected children and teenagers na nawalan ng mga paa for different reasons. Umaabot sa P40,000 ang artificial legs bawat isa sa 50 people na kanyang tinulungan.

Sabi ni Korina na nakausap namin sandali sa Christmas Party nila ni Mar for the entertainment press, nag-isip siya kung paano matutulungan ang mga walang paa. Nang mag-ayos siya ng kanyang cabinet, nakita nito ang mamahaling relos na hindi niya nagagamit for over a year dahil walang babagayang okas­yon.

Doon niya naisip na ibenta ang relos for P1.5-M at ibili ng artificial legs, kaya ang saya-saya niyang nag-celebrate ng 50th birthday.

Rochelle nauna na kay Alden kaysa kay Yaya Dub

Si Rochelle Pangilinan ang kasama ni Alden Richards sa series ng shows sa Casino Filipino na nagsimula noong December 2 sa Angeles City, Pampanga. Halos gabi-gabi ang show ng dalawa hanggang Dec. 18 at ang pinakamalayo ay sa Cebu at Davao.

Sabi ni Rochelle na nakatsikahan namin sa Christmas Party ng PPL Entertainment, matagal nang naka-schedule ang series of shows nila ni Alden, bago pa pumutok ang AlDub nila ni Maine “Yaya Dub” Mendoza. Kaya hindi masasa­bing dahil lang sa pagsikat ni Alden ito kinuha to do the shows.

Ang laki ng pictures nina Rochelle at Alden sa print ad ng Casino Filipino at sabi uli ni Rochelle, habang wala siyang soap o regular show sa GMA 7, sa shows ng Casino Filipino muna siya raraket.

Anyway, kinabog ni Rochelle ang kapwa PPL Entertainment artists sa Christmas Party nila for the press. Ang sexy ni Rochelle sa suot at braless ang hitad. Biniro nga namin si LJ Reyes na kinabog siya ni Rochelle at natawa lang.

Samantala, kaloka ang tsismis ha! Kaya raw wala sa Walk of Fame si Alden dahil may ka-date sa Tagaytay City. Mabuti na lang at hindi naniwala ang fans dahil ang alam nila, may sakit that day ang aktor at nagpa-check up at nagpahinga na lang. Naintindihan siya ni Kuya Germs at ng fans na sumugod sa Eastwood nang i-announce ni Maine Mendoza na hindi siya makakarating dahil nga may sakit.

Atty. Kapunan napagkakamalang si Atty. de Lima

“Ang galing-galing ni Atty. Lorna (Kapu­nan),” sabi sa amin ni Mario Dumaual after hearing Atty. Lorna answering questions from the entertainment press and after explaining politicial issues and issues about Sen. Grace Poe. Kaya hindi kami magugulat kung isa na sa mga tiyak na boboto kay Atty. Lorna si Mario at iba pang press people na nakarinig sa kanyang magsalita.

First Christmas Party ni Atty. Lorna ‘yun at mu­ling pagharap niya sa press after niyang mag-file ng candidacy. Challenge sa kanya na marami ang magaling sa mga kapwa kandidato niya.

Challenge rin siguro na magkaroon sila ng hiwalay na identity ni Atty. Leila De Lima dahil minsan, napagkakamalan sila at napagpapalit ang pangalan. Ikinuwento mismo ito ni Atty. Lorna na may pinuntahan siyang government office at binati siya ng sundalo sa gate sa pangalan ni De Lima.

Hindi siya na-offend at sinabi sa sundalo na ‘pag si De Lima ang nakita, ang pangalan naman niya ang gamitin at sinu­nod siya ng sundalo. Bale ba, parehong gumagamit ng scarf sina Atty. Lorna at De Lima, ang ikinatuwa ni Atty. Lorna, in-acknowledge ni De Lima na siya ang original na gumamit ng scarf.

ACIRC ALIGN ANG ATTY CASINO FILIPINO DE LIMA LEFT LORNA QUOT SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with